Dahil sa kalagayan ni Mayette, napilitan akong tumulong pansamantala sa club namin kapag wala akong pasok. Si Ben, as always, hindi maasahan. Puro panchi-chics at tama nga atang sumali siya rito para ro'n.
Napaunat ako nang ilapag ni Cielo ang inorder naming merienda sa Mcdo. Hanggang alas tres lang ang klase ko ngayon kaya nandito ulit ako.
"Thanks, Ciel!" Si Mayette na kinuha iyong isang plastic.
Kinuha ko 'yung isang natitira pa at tiningnan ang laman no'n. McFlurry agad ang unang kumuha sa atensyon ko kaya iyon ang dinampot ko.
Inurong ko ang plastik palayo sa akin para makakuha na rin ang iba. Padulas na inabot sa akin ni Mayette ang fries na nakaplastic din, pinasalamatan ko siya ro'n. Kanina pa kami nag-aayos ng mga papel para sa mga activities for this sem. Medyo marami siya ngunit natutuwa akong mabasa ang mga laman no'n, paniguradong mae-enjoy ko ulit ang taong 'to.
Sabay-sabay kaming nagulat nang biglang malakas na bumukas ang pinto. Gusto ko agad batuhin si Ben ng hawak ko dahil sa ginawa niya.
"Davi! Davi!" Anito na akala mo naiiyak na lumapit sa akin.
Nakabuka ang mga braso nito habang naglalakad palapit sa akin, para siyang batang magsusumbong sa nanay.
"Namiss kita, Davi!"
"Pangit mo, Benedict!" Pagsasawalang bahala na sa kaniya ni Mayette.
I'm about to stand up when I feel like he's going to hug me, when someone familiar enters the room and speaks.
"I wouldn't do that, if I were you," si Brian.
"President!" Excited nilang sabi at tumayo pa ang iba para salubungin ito.
Nangunguna ro'n si Mayette na umiiyak na naman. Yumakap ito kay Brian at kahit kaibigan ko siya, gustong-gusto kong hilahin ang buhok niya ngayon.
Brian just laughs and pats her back.
"I heard about what happened. I came here to help,"
"Lumayas ka na, Brian! Hindi ka na presidente!" Nakapamewang na sabi ni Ben.
Agad akong napangiwi sa kaniya. Siya nga, eh... vice president pero wala namang ginagawa.
Matalim ang naging tingin sa kaniya ni Mayette dahil doon.
"Ikaw ang lumayas, wala kang kuwentang vice president!"
"Grabe, ah? Ako kaya ang nagpamerienda ngayon!"
"I don't care!" Sigaw ni Mayette at muling umiyak sa bisig ni Brian.
Mukhang mababawasan ata ang kaibigan ko, ah? Konti na nga lang, mawawalan pa ng isa.
Natatawang hinagod-hagod ni Brian ang likod ni Mayette.
"It's fine now, Mayette. Come on, ngayon lang ang free time ko, let's save all the drama for later. Unahin muna ang dapat unahin."
Umiiyak na tumango-tango si Mayette bago lumayo kay Brian. Sabay silang naglakad sa puwesto namin, kaniya-kaniya namang nagbalikan ang iba sa mga puwesto nila. Bakas sa mga mukha nila ang galak na makita ang dati nilang pinuno.
Pinagitnaan namin ni Brian si Mayette. Gustong-gusto kong sipain si Mayette palabas para kami na lang ni Brian ang magkatabi, kung puwede lang sana.
"Bakit ka ba kasi nandito, Bri? Kaya naman namin!" Si Benedict na naupo sa tabi ko.
Napatingin ako kay Brian dahil doon.
"I was free, so I thought I'd help. Why? Ikaw, bakit yayakap ka kay Davi?"
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.