"I'll see you at your place later," si Evander nang makarating kami sa school.
Ramdam na ramdam ko pa ang antok at bigat ng katawan ko. My body feels so heavy and it's not because I'm about to get sick. It's something else.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at humawak sa balikat niya para kumuha ng puwersa. I kiss his cheek before I kiss his lips and then I kiss his forehead longer than I kiss the first two.
Pinalandas ko sa pisngi niya ang palad ko. "I love you. Ingat ka."
He smile at me and kiss me on my lips as well. Niyakap niya ako at hinalikan sa balikat.
"I love you the most. Take care. Call me if you need something,"
Tumango ako at ngumiti rin. Muli kong inabot ang mga labi niya bago lumabas ng sasakyan. Binaba niya ang bintana.
"See you later, love. You don't have to be perfect today. You're fine so you can take it easy, okay? I love you the most,"
I smile and wave at him. "Ingat ka."
Tumango siya at nag flying kiss pa kaya hindi ko napigilan ang matawa.
Saka lang siya umalis nang makapasok ako sa gate. Huminto ako saglit para tingnan ang sasakyan niya hanggang sa mawala iyon sa paningin ko.
Malalim akong humugot ng hininga bago humarap sa school. I'm not excited to go to school anymore. I just hope I can go home already.
Una kong kinumusta ang naging reporting ng group ko kahapon. Wala naman daw masyadong problema at nabigay ko naman daw ang lahat ng kailangan nila, wala nga lang akong grade dahil absent ako. Alam ko 'yon. Binigyan na lang nila ako ng mga take it down notes nila sa subjects namin kahapon. Nireview ko lang 'yon dahil sigurado akong may tatawag sa akin sa recitation dahil absent ako kahapon.
Hindi ako lumabas sa room kahit nung mga breaks. Kahit pa oras na ng library ko. Nasa loob lang ako, nag-iisip kung ano'ng gagawin mula ngayon. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi naman kasi ako sanay na gawin ang mga bagay na hindi ko gusto. Bago kami mag-uwian, inaya ako ni Mayette na kay Jeppy kami matulog mamaya. Pumayag na ako. Kinita na lang namin si Jeppy sa student's lounge para sabay-sabay na kaming pumunta ro'n. Si Jeppy na ang mag da-drive.
"Iinom ba tayo?" Tanong ni Jeppy.
"Kayo na lang." Sagot ko.
"Ayos lang ako sa beer. May pasok bukas, eh." Si Mayette.
"May mga activities pa ba kayo?"
"Medyo." Sagot ko.
"Davi, Maye!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa kaliwa. Ben is waving his hand to us with his wide smile. Beside him is the person that I wanted to never see.
Sabay silang naglakad patungo sa amin. Lumipat ako sa tabi ni Jeppy at hinayaan si Mayette na kumausap sa dalawa.
"I missed you, Pres!" Aniya habang nakahawak sa braso ni Brian at bahagyang tumatalon-talon.
Pagkasuklam ang dumaloy sa akin. Gusto kong sabihin kay Mayette kung ano ba talagang klaseng tao itong hawak niya. Hinila ko siya ngunit tinaboy niya lang ang kamay ko. Hinila ko ulit siya hanggang sa lumayo siya kay Brian. Nginisian lang ako ni Brian.
"Aalis ka na rin daw sa club?" Tanong nito kay Mayette.
"Excited na nga ako, eh." Si Ben.
Agad niyang sinalagan ang sipa sa kaniya ni Mayette at tinawanan ito. Kumapit ako sa braso ni Jeppy.
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.