CHAPTER 16

9 0 0
                                    

Ilang araw din kaming hindi nagkita ni Evander dahil busy kaming pareho. Panay lang kami calls and messages pati video call. Minsan sinasadya ko nang hindi sagutin ang tawag niya o kahit anong galing sa kaniya. Para kaming LDR sa ginagawa namin. Feeling ko hindi na siya mabubuhay nang wala ako dahil sa mga missed calls niya. 

Sabado ang date ng party na nasa invitation'g binigay sa akin ni Wera. Wala na akong ginagawa. Ang kailangan ko na lang, sabihin kay Evander para malaman ko kung papayag siya. Of course, I can't decide on this by myself. Tinext ko siya na dumiretso sa unit ko kapag tapos na siya sa exam niya. Ang loko, may dala nang extra clothes, makikitulog daw siya. 

He might as well just live here. 

"Missed me?" Tanong niya nang sundan ako sa kusina. 

Naupo siya sa lamesa. Gabi na. Nagluto na ako ng dinner bago pa man siya pumunta rito. Kinuha ko ang potholder at nilapag iyon sa lamesa bago kinuja ang niluto kong ulam at nilapag doon. 

"In your dreams," tanging sagot ko at nag sandok naman ng kanin sa dalawang plato. 

Nilapag ko ang isa sa kaniya at kumuha naman ng pitchel at dalawang baso saka mga kubyertos bago ako naupo sa tapat niya. 

"Why? You texted me to go here first for the first time, I thought you missed me," 

I look at him in amusement. Ganoon? 

"Kumain ka muna hindi 'yung pinaglalaruan mo na naman imagination mo," 

Binigay ko sa kaniya ang sandok nang matapos ako. Nagsalin ako ng tubig sa baso namin at uminom muna bago nagsimulang kumain. 

"How's your exam?" Tanong niya. 

"Good. Ikaw?" 

"Good. Easy."

Nakangisi ako nang tingnan siya dahil sa narinig. Easy, huh? 

"What? It's easy, I'm a licensed pilot, exams should be easy for me now, you know?" 

Tumango-tango na lang ako. Panay lang ang kain ko habang dumadaldal siya sa harapan ko. Panay lang tango ko sa mga sinasabi niya kaya nauna akong matapos kumain sa amin. Uminom ako ng tubig at sumandal sa upuan habang hawak ko ang tiyan ko. 

"How do you feel? Dalawang exam na lang hindi ka na mag-aaral," 

Tiningnan niya ako. "Mas marami na akong oras para sa 'yo," 

Inirapan ko siya. "Ano'ng plano mo sa pasko?" 

"None. I'm waiting for you. May gusto ka bang gawin?" 

Umiling-iling ako. "Wala. Uuwi ako sa amin sa Laguna," 

"Oh? Sama ako," 

Tumaas ang kilay ko at halos matawa sa narinig. Siya? Pagod na ba siya sa buhay niya? 

"Seryoso ka? Kaya mo ba'ng harapin Papa ko? Retired Army 'yon," 

Tumaas din ang kilay niya. "So? Wala ka bang tiwala sa akin? Sisiw." 

Natawa ako. "Sisiw? Hindi mo kasi kilala si Papa kaya mo 'yan nasasabi. Mahigpit 'yon, sobra. Parang ginawa niyang military base ang bahay namin pagka retire niya," 

"Why? Nananakit ba siya?" 

"Minsan?" Naibaba niya ang kubyertos niya. "I mean, hindi naman physically," 

"Paano?" 

"Hmm… nothing dangerous naman, pero nakakasakal 'yung pagiging strict niya, you know? Saka hindi nila alam na may boyfriend ako," 

At least that's what I want to believe. 

Nung nakaraan, tinawagan ako ni Papa dahil mukhang alam ata ni Mama na may boyfriend ako. Sinubukan kong tawagan si Kuya Gio pero palaging busy raw siya, mukhang nasabi niya kay Mama ang tungkol kay Evander. Nasabi rin ata ni Mama kay Papa kaya panay ang tawag niya sa akin nung nakaraan. Good thing, eleksyon next year, masyado siyang maraming ginagawa para pagtuunan pa ako ng pansin. 

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now