CHAPTER 8

6 0 0
                                    

Gabi na kami umalis sa Escalera tapos nag-ikot pa kami kaya halos ala-una na kami naka-uwi. Review agad for quiz ang inatupag ko kinabukasan. Tumungo ako sa condo ni Mayette para sabay na kaming mag review. Marami raw siyang hindi naiintindihan. 

Tahimik lang kaming dalawa at kung minsan, nagtatanungan. Nandito rin si Jeppy, nanonood lang ng movie sa laptop niya habang tahimik na kumakain ng chips. Sumunod siya nang malaman niyang magkasama kaming dalawa ni Mayette. 

"Kung gusto mo, ako na muna mag-take ng quiz?" Sabi ko kay Mayette. 

Kinakabahan kasi siya sa magiging score niya. Hindi kasi ganoon kaganda ang naging score niya sa exam namin sa subject na 'to, kailangan niyang mag high score sa quiz. 

"Sige. Paano kapag rambles ulit?" 

Kinuha ko ang yellow pad at ballpen ko. "Susulatin ko key words tapos 'yung sagot," 

Agad na lumiwanag ang mukha niya. Pinaghawak niya ang mga kamay niya at nakangiting nakatingin sa akin bago niya ako niyakap ng mahigpit. 

"Thank you!" Sambit niya habang inuuga ako sa yakap niya. 

Nakangiwi ko siyang nilayo sa akin. 

"Kadiri ka," sambit ko. "Magti-take na ako, huwag kayong maingay." 

Wala akong marinig na kahit anong ingay sa kanila nang magsimula akong mag quiz. Si Mayette, nanonood lang sa akin habang sabay na binabasa at tini-takedown notes ko ang mga keywords per number pati na ang sagot. Halos isang oras ang tinagal ko sa 50 items na quiz, one hour lang din naman ang given time. May naging computations pa kasi. 

Agad akong umunat nang matapos at inabot kay Mayette ang yellow pad. Siya naman ang nagtake ng quiz ngunit hinayaan niya munang lumipas ang kinse minuto bago niya kinlick ang take quiz, baka raw kasi mahalata. 

"Inom tayo," si Jeppy. 

"Wala ka na bang gagawin?" Tanong ko. 

"Wala na. Kayo?" 

"Next week pa ulit start ng lectures, pero ayaw ko uminom," 

"Ay? Oa ka, 'te! Minsan lang 'to," 

"Saan ba?" 

"XYLO or Urban?" 

"XYLO," si Mayette. 

"Magkano gagastusin natin diyan?" Tanong ko. 

"Ito puro gastos. Basta sumama ka na lang!" Sambit ni Jeppy na kinatawa ko. 

"Okay, kailan ba?" 

"Kahit ngayon puwede, eh. Nag-aya kasi sila Carmel kanina. Ano? Alas kuwatro pa lang naman," 

"G ako, tapusin ko lang 'tong quiz," 

Sabay silang tumingin sa akin. Naghihintay ng sagot ko. As if hahayaan nilang hindi ako sumama? 

"Daan muna tayo sa condo, papalit lang ako," 

Sabay silang sumigaw at pumalakpak pa si Jeppy. Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha nila kaya natawa na lang ako. 

"Lasingin si Davi! Lasingin si Davi!" Si Jeppy. 

"Good luck," sambit ko. 

Hindi mataas ang alcohol tolerance ko, ngunit hindi rin naman mababa. Sakto lang para sa dalawang tequila shots, pero ako lang nakakaalam no'n. Mahirap na. 

Dumaan muna kami sa condo ko para makapagpalit ako. Pagtapos, dumiretso rin agad kami sa sinabi nilang lugar. 

"Ayos ka na, Dav?" Si Jeppy na nasa driver's seat. 

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now