CHAPTER 41

7 1 0
                                    

Hindi na nga pumunta pa si Evander kinabuksan. Maghapon lang akong nakahiga, nagtutulog-tulugan. Wala ako lalong lakas sa mga nagdaan na araw. 

For the second time, I pushed away the person I wanted to stay with me the most. This time is probably the last time because he's having his own family. It still feels so unfair. My heart hurts upon realising that he won't be with me even after I recover from this, which I never expected to be the outcome. 

Akala ko kapag malagpasan ko 'to, puwede ko siyang bawiin. Na babalik kami sa isa't-isa. Pero hindi. At nahihirapan akong tanggapin 'yon ngayon. Umasa ako, eh. 

"Kumusta?" Si Kuya Gio. 

Ang sabi ko kasi medyo mas maliwanag na ang paningin ko kaya tumungo kami sa doctor kanina. The doctor said it's recovering just fine after some tests. 

"I-It's brighter than yesterday, a-at least…" 

"Good. Good. Tell me if something changes or anything. What do you want for afternoon tea?" 

"I w-want to sleep," 

"Oh… okay. I'll wake you up at dinner," 

Tumango lang ako. It has always been like this. Breakfast, lunch, meryenda, dinner. 

"Dav?" Si Mama. 

Katatapos lang namin kumain. 

"Ayos lang ba kung sa Laguna na muna tayo habang naghihintay tayo sa mga papel mo?" 

Hindi agad ako sumagot. 

"I'm going back to the US by the end of the month, Dav," si Kuya Gio. 

"D-Dito na lang ako," sagot ko. Sila naman ang nanahimik. 

Wala talaga ako sa mood na magpalipat-lipat lalo na't ganito ang kalagayan ko. Gusto ko sa isang lugar lang. Ayaw ko rin kung sa Laguna. 

"Umuwi muna tayo kahit hanggang sa maka-recover lang ang paningin mo," si Mama. 

"Kaya ko," 

"Wala kang kasama-" 

"K-Kaya ko mag-isa. Hindi ako u-uuwi sa Laguna." 

"Dav-" 

"Mama Denise," si Kuya Gio. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. "Okay. We'll talk about this again later," 

Hindi ako uuwi sa Laguna. That's what I decided. That's what I'm going to do. 

Sa kuwarto agad ang balik ko nang makapag-pahinga sa pagkain. May hawak akong flashlight. Maya-maya ko 'yong tinatapat sa mata ko at maya-maya ring may maliit na ngiti ang mga labi ko. Naaaninag ko ang ilaw niya. Naaninag ko ang shape ng ilaw niya.  

Tinanggal ko ang comforter at kinapa ang sahig gamit ang paa. Dahan-dahan akong tumayo. Kinapa ko saglit ang bedside table at doon kumuha ng alalay hanggang sa makapa ko ang pader at tuloy-tuloy na naglakad. Sinisiguro kong wala akong matatamaan kaya matagal ang bawat hakbang ko. Awtomatiko akong napa-upo at impit na tili habang nakatakip ang dalawang kamay sa tainga nang mag ring ang cellphone ko. Nanginginig na naman ang katawan ko kaya agad kong pilit na pinakalma ang sarili kahit pa lumuluha na. 

Kinapa ko ang sahig at pagapang na bumalik sa kama. Nauntog pa ako sa bedframe na agad ko ring ininda. Panay ang himas ko sa ulo kong naumpog. Nawala na ang pag ring ng cellphone ko ngunit nasa sahig pa rin ako, umiinda at pinapakalma ang sarili. 

This is what I hate about my panic attacks. No matter how much I try to calm myself down, I can't seem to do it easily. 

Muling nag ring ang cellphone ko. Hinayaan ko 'yon habang pinapakalma ang sarili. Ilang minuto rin akong nakaupo lang sa sahig at ilang minuto ring nagri-ring ang cellphone ko. I inhale and exhale repeatedly until my heart goes back to its normal beat. My phone's still ringing. Kinapa ko ang kama hanggang sa bedside table para sa cellphone. Kinapa ko ang cellphone ko kung nasaan ang volume dahil nasa side niya ang answer button sa screen. I don't know if I can answer this, but I will try. 

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now