Prelim week passed by like a long hell of a week. Sa bawat sulok ng hallway ng school ay palaging may med student na nagrereview. It's actually funny, we look like we're some kind of cult whispering curses.
Tuwang-tuwa si baklang Jeppy nang matapos ang prelim namin. Nasabi ko kasi sa kaniyang free si Evan ngayong Saturday at excited na excited siya ro'n. Siya na nga rin ang nagsabi kay Mayette na i-mi-meet nila si Evan.
Nagsuot lang ako ng shorts at long sleeve blouse. Noong una, gusto ni Mayette na 'yung sleeveless cami top na kita ang cleavage ko pero ayaw ko. We're meeting with Evander, and I'm not comfortable with wearing revealing clothes in public. Hindi malaki ang dibdib ko kaya bagay raw sa akin ang mga ganoon dahil sexy tingnan. Ayaw ko. Nag strappy sandals lang ako at iyong bag na niregalo sa akin ni Kuya Gio noong nakaraang birthday ko. Pagkatapos kong mag spray ng cologne, diretso akong labas at baba sa parking.
Baks:
Paalis na ako, mami. See you later!
Yette:
On my way to meet you and your darling, Davi! See yah!
Parehong 'k' lang ang nireply ko sa dalawa. Pareho silang excited na ma-meet si Evan, kung puwede lang baka ipahiram ko pa 'yon sa kanila. Sinuksok ko muna ang phone ko sa likod na bulsa ng aking pants para kunin ang susi sa bag ko.
Pinatunog ko iyong sasakyan ni Kuya Gio. Bihira ko lang itong gamitin, tuwing umuuwi lang ako sa bahay. Ayaw ko kasi, kasi kay Kuya ito. Binigay na nga niya sa akin 'yung unit niya, eh.
Bago ako tuluyang makalapit sa sasakyan, biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon at nakita si Evan sa caller.
"Oh? Paalis na ako," I say as I open the car door.
"Nandito ako sa tapat ng tower mo, tara na. Sabay na tayo,"
"Huh? 'Di ba magkikita na lang nga tayo sa mall? Ang gulo mo!"
"Tara na, nandito na ako, eh. Ihahatid naman kita mamaya,"
"Magdadala ako ng sasakyan dahil maghahatid din ako mamaya. Ihahatid ko 'yung mga kaibigan ko."
"Ihahatid natin sila. Come on, I'll wait for you here."
"Ikaw talaga ang nasusunod, 'no?" Inis kong sabi rito at muli nang sinara ang car door at naglakad pabalik sa elevator para umakyat ulit.
He laughs. "Ipagda-drive ka na nga, eh. Ihahatid din naman natin sila, mamaya. Dalawa lang 'yon, 'no?"
"Malalayo sila, huwag kang magrereklamo, ah?"
"Of course not. Huli naman kitang ihahatid, ayos lang. Road trip ulit tayo? Tagaytay?"
"Ayan na naman. Uuwi rin ako agad,"
"Uuwi rin tayo! Saglit lang 'yon, ah?"
"Whatever, Evan. Papunta na ako, bye."
Malalim akong napabuntonghininga. Ang sabi niya, kita na lang daw kami sa mall. Palaging last minute ang desisyon ng isang 'to, ang sarap kalikutin ng utak. Tapos road trip na naman, paniguradong umaga na naman ako ihahatid nito.
Napapikit na lamang ako at halukipkip. Sa totoo lang, mas matanda siya sa akin ngunit mas bata pa siyang mag-isip.
Inirapan ko siya nang kawayan niya ako. Nakasandal ito sa sasakyan niya, naghihintay. He's wearing a navy blue dress shirt folded up under his forearms. A black slacks, and a plain white sneakers. Naka shades din ito at ang linis at bango-bango niyang tingnan ngayon. Palagi naman siyang mabango at malinis tingnan, pero mas guwapo siya ngayon.

YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.