Paglabas namin, napapalibutan na ng mga bisita si Solenn at Irene. Sa driveway talaga sila nag-aaway, akala mo mga professional wrestlers ang itsura nila. Gulo-gulo ang buhok, may konting smudges ng makeup sa mukha nila at kapwa nanlilisik ang mga mata sa isa't-isa. May nakahawak sa kanilang pareho.
"What happened here?" Si Evander.
"Pagsabihan mo 'yang babae mo, ah!" Si Solenn.
It's my first time seeing her like this. Sobrang layo sa itsura niya tuwing nakikita ko siya sa campus.
"Ano'ng babae sinasabi mo?" Dinig ko agad ang iritasyon sa boses ni Evander. "It's one thing after another. Can't the both of you just enjoy the party? Kakaalis lang ng ambulansya, magtatawag ba ulit kami?"
"You invited this bitch, Kenzo!" Duro ni Solenn kay Irene.
"Ano naman sa 'yo, feeling girlfriend ka!" Duro rin ni Irene kay Solenn.
"Fuck you, ugly bitch!" Si Solenn at muling sumugod ngunit hindi siya binitawan ng umaawat sa kaniya.
"Fuck you, ugly hoe! Slut!" Pilit din na sumusugod na sigaw pabalik ni Irene.
Oh my God. Parang biglang umikot ang paningin ko dahil sa away nila. I can't believe I'm watching two women. Pretty women. Fighting, saying the most garbage words a woman can hear from one another.
Napakapit na lang ako sa sleeve ng onesie ni Evander. Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako ng bahagya patungo sa likod niya.
"Tumigil na kayo," suway ni Evander na siyempre, malabong marinig dahil sa talakan nila.
It's an ugly sight.
"Fucking bitch! Whore! Slut!" Si Irene.
"Fuck you! Hindi mo ako katulad!" Si Solenn.
Malalim na humugot ng hininga si Evander at binitawan ako. Pinanood ko siyang magmartsa patungo sa gate nila. Napatalon at takip ako sa tainga nang bigla na lang siyang sipain ang gate nila. Lahat ay natigilan doon maging ang dalawang nag-aaway na kapwa nakatakip din sa tainga habang nakatingin kay Evander. Gulat.
"I said stop. Hindi ba kayo nahihiya sa mga lumalabas sa bibig niyo?"
"I didn't start the fight!" Si Solenn.
"Are you saying I'm a war freak?" Si Irene. "You kept on pestering me about whoever the fuck that Davi is! You annoyed me on purpose!"
Napakurap ako nang marinig ang pangalan ko. The hell?
"Kasi bastos ka! Alam mong may girlfriend 'yung tao, inaaligiran mo pa!" Si Solenn.
"Stop being so jealous-"
"Fuck you!"
"-about me!"
"Sino'ng magseselos sa 'yo?! Have you seen yourself in the mirror?"
"Oh, cut the crap, Solenn! You're acting more like his girlfriend than me!"
Lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa mga naririnig. To be honest, ang sagwa tingnan at pakinggan ng away nila.
"Kanina parang nag ve-verbal fight lang sila tapos bigla na lang silang nakahawak sa buhok ng isa't-isa," sabi sa akin si Jeppy. "Maka roar din pala 'to si Solenn, akala ko behave person!"
Muling bumalik ang atensyon ko kay Evander nang padabog niyang binuksan ng malaki ang gate.
"Out. Kung gusto niyong mag-away, lumabas kayong dalawa." Anito. Tiningnan niya si Irene. "You stop mentioning my girlfriend. I have my limits, Irene."
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.