Shin's POV
"Nasaan si Hana, Jake?" tanong ni Hide kay Jake na kaklase nung kapatid niya. Uwian na kasi at nagpasama pa siyang puntahan iyong kapatid niya para daw sabay sila umuwi.
"Sino iyon?" takang tanong ni Jake habang nakamot sa ulo.
"Iyong foreigner tanga! Tulog kasi nang tulog," sabi naman ni Jack at binatukan pa si Jake. "Kanina pa lumabas pag katunog pa lang ng bell. Bakit? Girlfriend mo?" sabi nito kay Hide. Sinimangutan naman ito ni Hide at binatukan.
"Ungas! Kapatid ko iyon!" sigaw ni Hide.
"Weh? Ba't ang ganda niya?" hindi makapaniwala na sabi ni Jack.
"So you're saying I'm ugly? Gusto mo bang maconfine sa hospital ng isang buwan?" may halong pagbabantang sabi ni Hide.
"Joke lang, hindi mabiro!" Agad na binawi ni Jack ang sinabi niya. "Pero kanina pa nga umuwi kasama iyong maganda pero mataray na babae, Sei ata pangalan," dugtong nito
"Sige, salamat. Tara na," aya na ni Hide na akala mong pinag-bagsakan ng langit at lupa ang mukha.
"Baka something important came up kaya nauna na," pagpapagaan naman ni Vin sa loob ni Hide. "For sure naman na magkikita kayo sa bahay niyo kaya tigilan mo na iyang kakapout mo, nagmumukha kang suso," pagpapatawa nito na ikinatawa namin. Kahit si Hide napatawa sa sinabi ni Vin.
"Yeah, you're right. Baka nga nasa bahay na siya at nagpapahinga," nakangiting sabi ni Hide. "Mauna na ako sa inyo, bye!" paalam na nito sa amin at tumakbo palapit sa sasakyan niya. Sumakay na ito at pinaandar paalis ng school.
"Mauna na rin kami, may work pa ako mamaya," paalam na ni Vin. "Drive safe, both of you," paalala nito sa amin. Sumakay na iyong dalawa sa motor at umalis. Si Vin ang nag d-drive dahil siya lang ang may license habang angkas niya si Van.
"Grabe nag-iba na talaga si Sei. Uhugin pa iyon nung last ko siya nakita," sabi ni Karma na himalang kanina pa nananahimik.
"People change, Karma. Except sa iyo, maingay ka pa rin hanggang ngayon," natatawa na sabi ni Kiro kay Karma.
"Nasa lahi na namin iyon ano ka ba," sagot ni Karma. At least aminado siyang maingay siya.
"I should be going too. Baka magalit na naman si Kuya Shein," paalam ko.
"Sige, uuwi na rin kami," sabi ni Kiro. Agad na kaming nagsisakayan sa mga kotse namin. Si Karma naman ay sumabay kay Kiro dahil hindi ganoon kalayo ang bahay nila Karma sa condo ni Kiro.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko at umalis sa school. Sakto naman nag ring ang phone ko. Tumatawag ang Kuya kong demonyo.
"What?" sagot ko.
["Don't even think of going to Mosca again."]
"Chill, I'm not going there. I'm actually driving home, bye na." Agad kong pinatay ang tawag dahil panigurado na kung ano-ano na namang sasabihin niya.
Binilisan ko na lang ang pagmamaneho para makauwi agad at hindi na madagdagan ang inis ni Kuya sa akin.
After a few minutes driving to home nakarating na rin ko. Pagkatapos kong ipark ang sasakyan ko agad na akong dumaretso sa bahay. Bumungad naman sa akin si Kuya na nakaupo sa living room habang tutok na tutok sa laptop.
"I'm home," sabi ko na ikinagaw ng atensyon niya. He glared at me for a seconds at ibinalik muli ang tingin sa laptop.
Fuck, I thought I'm gonna be scolded again.
Hindi ko na lang pinansin si Kuya at dumaretso ako sa kwarto ko. Inihagis ko ang bag ko sa couch at pumasok agad ako sa banyo. I'm going to take a shower.

BINABASA MO ANG
Lives for a Life
ActionA painful past that made Shianley Vaughn forget, including his mother's death. He grew up with missing pieces of his past. Now, little did he know, he's being hunted by a notorious syndicate for the things he had done in the past that he couldn't ev...