Chapter 27

15 2 0
                                    

Shin's POV

Pagkarating sa bahay nila Vin ay agad tumawag si Hide kay Doc Wayne. Buti na lang at dumating agad ito at natignan si Hana.

Nakatikim pa ako ng ilang suntok mula kay Hide. Hindi na ako nito pinansin matapos kong ipaliwanag ang ginawa kong pag-iwan kay Hana. I understand him. Kahit sino ay magagalit sa ginawa ko. Hinayaan ko siyang harapin iyong mga taong nasa loob ng sasakyang iyon habang naghihintay lang ako sa kaniya. What I did wasn't forgivable.

Lahat kami ngayon ay nasa labas ng kwarto kung nasaan si Doc Wayne si Hana ngayon. Wala ni isang nagsasalita sa amin at kaniya-kaniya ang paghihintay sa paglabas ni Doc Wayne.

"Hana!" Napalingon kami lahat nang pumasok si Sei kasama si Gun.

Halata ang pag-aalala sa mukha ng dalawa. Napatingin naman sa akin si Sei at agad akong sinalubong ng malakas na suntok.

I guess she already knows what I have done. I deserve this. Napayuko na lang ako.

"Why would you leave her, Shin?! Why?!" umiiyak ng sabi ni Sei. "T-tell me, Shin! Why?!" Paulit-ulit niya akong sinuntok sa dibdib habang umiiyak.

"I-i'm sorry,” tanging iyan lang ang lumabas sa bibig ko.

I don't know what to say. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko kahit anong paghingi ko ng sorry.

I shouldn't have left her! It's all my fault! Fuck, Shin, why are you so weak?! Ikaw dapat ang nabaril hindi siya!

Pinatahan ni Karma si Sei na iyak nang iyak. Si Gun naman ay masamang nakatitig sa akin.

Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto at agad kaming naglapitan.

"Why didn't you take her to the hospital? Just how dumb are you?" Halata ang galit sa mukha ni Doc Wayne. "She almost died because of blood loss, you bastard!" sigaw na nito.

"How is she?" malamig na sabi ni Hide.

"I removed the bullet and stopped the bleeding. She's stable now." Para kaming nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa sinabi niya.

"When will she wake up?" tanong ni Gun.

"I don't know. She might wake up later, tomorrow, or after a week." Bumakas ang lungkot sa mukha ng mga kaibigan ko, kahit ako ay nakaramdam ng lungkot. Walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising. Kasalanan ko ito.

Nagpaalam muna si Doc Wayne at babalik daw siya mamaya. Pumasok naman sa loob si Hide, Gun, at Sei. Naiwan kami rito sa sala.

"Anong nangyari, Shin?" tanong ni Karma. "Bakit mo siya iniwan?"

"Stop blaming him, it's not his fault, he was scared," sabi ni Vin at tinabihan ako nito.

"No, Vin. It's my fault. Kung hindi ko siya iniwan at sapilitan siya pinasok sa sasakyan at dalawa kaming umalis hindi mangyayari sa kaniya ito," mahina kong sabi habang nakayuko.

"Yes, Shin, it's all your fault," matigas na sabi ni Kiro. "If I were in your shoes, no matter how scared I am, no matter how weak I am, I wouldn't leave her there. I would fight with her. I would fight for her."

Para akong sinampal ng katotohanan na sobrang walang kwenta ko kumpara kay Kiro. Kung siya nga naman ang nasa lugar ko ay paniguradong hindi niya hahayaan si Hana. He will never let her get hurt even if it kills him.

Wala na akong nasabi at nakayuko lang. Wala na akong mukhang maiharap sa kanila dahil sa ginawa ko. Siya iyong babae pero siya pa itong nagprotekta sa akin. I was the one who should protect her but I'm not strong enough. They fight with their life on the line habang ako normal na suntukan lang ang alam.

Lives for a LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon