Shin's POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa room nang makita ko hindi kalayuan si Hana. She's running toward my direction habang nakayuko. Sa sobrang pagmamadali niya ay nabangga ako nito at agad ding nagpatuloy sa pagtakbo. She didn't even recognize me.
Hinayaan ko nalang ito at nagpatuloy papunta sa room.
"Shin, tara dito, dali!" sigaw ni Karma.
Lumapit agad ako nang mapansin kong nakapatong ang ulo ni Hide sa mesa at tahimik ang mga kaibigan ko.
"What's going on?" taka kong tanong pag-upo ko. "Bakit parang pinag-bagsakan ng langit at lupa iyan?" Tukoy ko kay Hide.
"Broken." Tinuro ni Karma si Hide.
"Gago, wala ngang girlfriend iyan." Binatukan ni Van si Karma. "Hindi raw umuwi kapatid niya kagabi," sabi nito.
"Sinubukan mo na bang tawagan? Kilala mo naman iyong kapatid mo, uuwi lang sa inyo pag gusto," sabi ni Kiro.
"Hindi sa nag-aalala ako kasi hindi siya umuwi, I'm used to it. Nag-aalala ako kasi nung tinawagan ko siya this morning, she doesn't really sounds good. I mean, iyong boses niya, parang hindi okay," sabi ni Hide na hindi pa rin nag-aangat tingin.
"She seemed fine though?" singit ko. Nag-angat ito nang tingin sa akin. "I saw her when I'm on my way here. She was running."
"Sabi sa iyo ayos lang kapatid mo e! Baka kaya ganoon iyong boses kasi kakagising lang!" Binatukan pa ni Karma si Hide. Nakatikim din ito ng malutong na batok mula kay Hide. "Aray naman!"
"She's fine, Hide. Don't worry too much. Makikita mo naman mamaya," sabi ni Vin. Mapait na nginitian ni Hide si Vin at tumango.
Tumunog na rin ang bell at nag-umpisa ang klase.
Agad kaming umalis sa room pagtunog ng bell. Dumaretso kami sa room nila Hana dahil namimilit si Hide.
"Where's my sister, Jake?" tanong ni Hide.
"Kalalabas lang niya lang. Baka nasa canteen na," sagot nito.
"Huh? Mag-isa lang siya?" takang tanong ni Kiro.
"Oo."
"Saan si Sei?" singit ni Karma.
"Absent. Dami niyo naman tanong. Alis na nga ako, bye." Umalis na si Jake kaya umalis na rin kami
"That's new. Why didn't Sei come to school today?" mahinang sabi ni Hide na nasa tabi.
Sa sobrang hina, halos kami lang dalawa nakarinig. Nag pretend nalang ako na hindi ko siya na rinig dahil wala rin akong maisasagot sa kaniya.
Dumaretso na kami sa canteen. Nakita nami agad si Hana na nakapatong ang ulo sa mesa. Agad lumapit si Hide at tinabihan ang kapatid niya. Umupo naman si Karma sa kabilang gilid ni Hana. Sa tapat ni Hana ako umupo dahil doon ang lagi kong pwesto, sa gilid ko naman si Kiro, katapat ni Hide. Iyong magkapatid naman ay nasa gilid ko.
Buti na lang ay hindi sasabay sa amin sila Kim ngayon. Nasa hindikalayuan sa amin sila nakaupo kasama iyong iba niya pang friends.
"You good?" tanong ni Hide sa kapatid nita.
Gulat pang nag-angat tingin si Hana. Hindi ata nito naramdaman ang pag-upo namin.
"Yeah. I'm good." Halata sa boses ang panghihina nito. Is she sick?
"Ay, ang init?!" sigaw ni Karma nang dumampi ang kamay nito kay Hana. Hinipo agad ni Karma ang noo ni Hana. "Hala, may lagnat. Mataas!"
"What?!" sigaw ni Hide at hinipo rin ang noo ni Hana. "You have a fever! Let's go to the hospital." Itatayo na sana ni Hide si Hana nang pigilan siya nito.

BINABASA MO ANG
Lives for a Life
AksiA painful past that made Shianley Vaughn forget, including his mother's death. He grew up with missing pieces of his past. Now, little did he know, he's being hunted by a notorious syndicate for the things he had done in the past that he couldn't ev...