Chapter 34

14 2 0
                                    

Shin's POV

"Why Ate Hana isn't coming here anymore? Did you guys fight?" Nakasimangot sa akin si Shion pagbaba ko.

Hindi pa siya pumapasok dahil nag-iba ang oras ng pasok nila. Bali same time na ang pasok namin. Ako na ang maghahatid sa kaniya.

"I hate you, Kuya. Inaway mo si Ate," malamig nitong sabi sa akin habang nakahalukipkip.

Pinatigil ko na kasi si Hana sa ginagawa niyang pagsundo... hindi dahil ayaw ko siyang kasabay, nahihiya ako. Nahihiya ako sa nangyari doon sa canteen. Tang ina buti na lang at tinikom nila ang bibig nila at walang nakarating kay Hide. Suntok abot ko roon pag nalaman niya dahil iisipin niyang may gusto ako sa kapatid niya.

"We didn't fight. I just told her to stop fetching me," sagot ko kay Shion. "Tara na baka malate pa tayo."

Nauna na akong maglakad palabas ng bahay at sumakay sa sasakyan. Sumunod naman sa akin si Shion. Padabog niyang sinara ang pinto ng sasakyan ko.

"Hey!" inis kong sigaw dahil sa ginawa niya. "What's wrong with you?"

"Ikaw kasi, e!" Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang pagsigaw pabalik sa akin.

Shion probably has a shitty attitude towards me but he never yelled. Pag nagagalit siya ay tumatahimik lang ito at nagkukulong sa kwarto niya.

"What did I do?" Inistart ko na ang engine ng sasakyan ko at umalis.

"I won't see Ate Hana anymore because you told her to stop coming to our house!" Halata ang galit sa mukha niya.

Just what that girl did to my brother to act like this?

"Yes, I told her to stop coming to our house to fetch me up, but it doesn't mean you won't see her again, okay?" kalmado kong sabi habang nakatingin sa daan. "I'll invite her over sometimes."

"Really?!" Natuwa naman kaagad ang kapatid ko dahil sa sinabi ko. "Thanks, Kuya!"

"Y-yeah."

Bakit ba gustong gusto ng kapatid ko si Hana? What on earth she had done to my brother? Gumamit ba siya ng gayuma or what?

Nang maihatid ko si Shion sa school niya ay agad akong dumaretso sa school. Ilang minuto lang at nakarating na rin ako dahil hindi naman ganoon kalayo ang school ko sa school ni Shion.

Natanaw ko agad ang sasakyan ni Hana sa pinaparkingan niya. She's leaning on her car habang naka halukipkip at nakatitig sa sasakyan kong kakapark lang. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa pagtitig niya.

"Is she waiti-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may sasakyan na dumating at pumarada sa gilid ng sasakyan ni Hana. Lumabas ang pamilyar na tao mula sa sasakyan. He's the guy at the canteen before.

Baba na sana ako ng sasakyan nang makita kong umalis na si Hana at kasabay niya iyong lalaki. Humigpit ang hawak ko sa manibela dahil sa inis.

Bakit sabay silang papasok?!

Padabog kong sinara ang pinto ng sasakyan ko at nakasimangot na naglakad papuntang classroom. Kada may nakakasalubong nga akong estudyante ay napapaiwas ng wala sa oras dahil sa itsura ko ngayon. Napipikon kasi ako.

"Ang aga-aga badtrip ka." Hindi ko pinansin si Vin at umupo sa upuan ko.

"Anyare?" tanong ni Van.

"May mens siguro." Malakas kong binatukan si Karma dahil sa sinabi niya.

"Shut up or I'll beat your ass," mariin kong sabi.

"Ano ba nangyari? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa," tanong naman ni Hide sa akin.

Lives for a LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon