Chapter 33

16 2 0
                                    

Shin's POV

Halos ilang minuto lang nang makarating kami rito sa school. As usual sinalubong kami ng mga cellphone ng mga estudyante rito dahil sa sasakyan ni Hana. Pinipicturan nila ito. Agad kaming bumaba ng sasakyan at nilayasan ang parking lot.

Nakalipas na ang isang linggo at patuloy pa rin ang ginagawa niyang pahatid sundo sa akin. I told her to stop, countless times already, but she just continued fetching me up. Nakakarita lang kasi siya ang sumusundo sa akin when I was supposed to be doing that. That's the men's job. Parang tinatapakan iyong ego ko dahil sa paghatid-sundo niya sa akin.

"Want me to walk you to your room?" tanong ko.

Ang rude naman kasi kung iiwan ko na lang siya.

"No. I'm good. Thanks," nakangiting sabi niya.

Agad na kaming naghiwalay ng daan at pumunta na siya sa building nila. Ako naman ay dumaretso na sa building namin.

Nakasabay ko si Miss Alejo pumasok ng room. Hindi pa naman ako late, sadyang maaga lang si Miss Alejo pumunta sa room namin ngayon.

Nakipagtawanan muna sa amin si Miss habang nag-iintay tumunog ang bell bago siya nagklase.

When the lunch starts, agad kaming umalis sa classroom para pumunta sa canteen. Saktong nakasalubong naman namin sila Hana at ang pinsan ko.

"Hi," bati ko kay Hana.

Tinaasan naman ako ng kilay niyo. "You're surprisingly nice to me today."

"I'm always nice, though?"

Kelan ko pa siya sinungitan? Pagkakatanda ko last month pa ata iyong last dahil kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. I started being nice ever since she saved me. I mean, how could I be not nice to her when she literally saved me couple times. She got even shot.

"Hi, Shin!" Agad na kumapit si Yuki sa braso ko. Lumayo naman si Hana sa akin.

"Hey, stop!" inis kong sabi.

Nasinghot ko ang pabango nito na ikinatakip ko ng ilong. Na-impluwensyahan ako ako ni Hana dahil hindi ko na rin gusto ang amoy ng pabango ni Yuki.

Inis kong inalis ang kamay ni Yuki sa akin at dumikit sa pinsan ko. She won't let Yuki get close to me.

"Back off, Yuki, I will kick you in the face," banta ni Kim nang lalapit sana ulit si Yuki sa akin.

Pagdating sa canteen ay umupo agad kami sa pwesto namin. Si Karma at Vin naman ay dumaretso sa counter para bumili ng pagkain.

"Kiro, can I sit there?" tanong ni Yuki.

Si Chloe at Kiro ang katabi ko. Pinagigitnaan naman ni Vin at Kiro si Yuki.

"No," matigas na sabi ni Kiro.

"Come on! I am still your cousin, stop treating me like that. Tampo na ako," pagmamaktol ni Yuki at ipinatong ang ulo sa mesa.

"Sige, magtampo ka lang diyan," sagot naman ni Kiro ng hindi nilingon si Yuki.

He's also annoyed at her. Sino ba naman ang hindi maiinis sa kaniya? Puro arte ang alam.

Napairap na lang ako rito at binuksan ko ang bag ko. I took my perfume out and sprayed it to me. Tinabunan ko ng pabango ko ang amoy ni Yuki na kumapit sa akin. Nang tuluyan matakpan ng pabango ko ang amoy ni Yuki ay agad kong itinago muli ang perfume ko.

Ipinatong ko na lang ang braso ko sa sandalan ng upuan habang hinihintay sila Karma.

Naramdaman ko naman ang malalim na titig mula sa harap ko. Bumungad sa akin ang naka halukipkip na si Hana habang nakatitig sa akin ng diretso. Agad naman akong kinabahan dahil sa titig niya.

Lives for a LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon