Shin's POV
Nagising ako nang may yumugyog sa katawan ko.
"Kuya Shin, gising na, mag-aalmusal na tayo," mahinang boses ni Ben ang narinig ko habang patuloy akong niyuyugyog
"Okay, Ben, susunod na ako," medyo husky pa ang boses ko dahil kakagising ko lang.
Nagpaalam na si Ben at lumabas na ng kwarto.
Dito kami natulog dahil anong oras na rin nang matapos kami sa pag-aayos. Sa kwarto kami ng boys natulog nila Hide, Kiro, Vin, Van at Karma. Sa mga girls naman si Hana, Sei at Aliyah.
Kumuha agad ako sa bag ko na may damit at dumaretso sa CR para maligo. Pinadala ni Hana kagabi iyong mga gamit namin kay Gun.
Matapos maligo at magbihis dumaretso na ako sa baba. Nasa hagdan pa lang ako rinig ko na ang bunganga ni Karma na nakikipag-agawan sa pagkain.
"Akin iyan, Ben!" sigaw ni Karma.
"Ako nauna rito Kuya! Kuha ka ng iyo!" sigaw pabalik ni Ben at kinuha ang hotdog sa plato ni Karma.
"Tigilan mo na nga ayan, Karma!" suway ni Vin.
"Tama ba iyang makipag-agawan ka sa walong taong gulang? Isip bata talaga," pagtataray ni Sei. "Ben, hayaan mo na iyan. Ikaw na magpaubaya sa mas bata sa iyo." Tinigasan pa ni Sei ang pagsasabi ng 'mas bata sa iyo.'
"Oh, Shin, buti naman gising ka na!" biglang sabi ni Tita Ava nang makita niya ako. Napalingon naman sila sa akin.
"Puyat na puyat, Shin?" natatawang sabi ni Hide.
"Ang ingay humilik ni Karma, e," sabi ko at masamang tinignan si Karma.
"Oo nga, Kuya, nagising din ako sa hilik niya," pagsang-ayon ni Yuno sa akin.
I was just joking, though?
Biglang inilagay ni Yuno ang isang daliri niya sa bibig at sumenyas na huwag akong maingay kaya tumango ako.
"Ito na iyong mga eggs, kids!" sigaw ni Aliyah at lumabas galing kusina. Nasa likod niya si Hana ba may hawak din na plato ng mga eggs.
Inilapag nila ang plato at agad nag-unahan ang mga bata. Pati si Karma syempre, papatalo ba iyon?
Umupo na rin ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Hide at kumuha ng pagkain. Nag-umpisa kaming kumain. Syempre hindi na wala ang kwentuhan at tawanan.
"Anong oras uwi niyo, Hana?" tanong ni Tita Ava.
"Later. Mga hapon," sagot ni Hana habang nakatitig sa pagkain. "You guys good with it, right?" Isa-isa niya kaming tinignan.
"Yeah, of course," sagot agad ni Kiro.
"Ayos lang din sa amin," sabi ni Vin at nakangiting tinignan si Aliyah. Nakatingin din si Aliyah sa kaniya tas biglang nagblush.
Landi. Sana lahat. Joke.
Pagtapos namin kumain ng almusal ay kaniya-kaniyang ligo ang mga bata. Pagtapos ay nag-aya silang maglaro sa labas. Kinaladkad nila kami papunta sa labas. Kasama sa laro iyong mga aso. We're close to the dogs na.
"Taya!" sigaw ni Ben nang mahawakan niya ako.
We're playing taya-tayaan. Ako ang taya ngayon. Nag-umpisa akong manghabol ng bata pero syempre hindi ko binilisan ang takbo, bata kaya kalaro ko.
"Habulin mo 'ko, Shin!" sigaw ni Karma at kumaripas nang takbo.
I chased him syempre, hindi ako papayag na ako ang taya.
Mabilis ang takbo ni Karma, kahit sa basketball, siya ang may pinakamabilis na takbo sa amin kaya hirap akong mahabol siya.
"Kuya, habulin mo naman kami!" sigaw ng mga bata. Tinigilan ko na si Karma at ang mga bata na lang ang hinabol ko.
BINABASA MO ANG
Lives for a Life
БоевикA painful past that made Shianley Vaughn forget, including his mother's death. He grew up with missing pieces of his past. Now, little did he know, he's being hunted by a notorious syndicate for the things he had done in the past that he couldn't ev...