Shin's POV
Simula nung kumanta si Hana ay hindi na maalis ang boses nito sa isipan ko. I've also been dreaming about her ever since too. Kahit na paulit-ulit ang panaginip ko ay hindi ako nagsasawa. Paano ako magsasawa kung mala boses anghel ang naririnig ko?
Siya rin ang napiling llalaban ngayong Intrams. Bukas ang laban ng singing contest. Ngayon naman ang laban ng basketball.
"Buti boys lang ang lalaban ngayon, hindi tayo makakapanood kila Hana kung nagsabay," sabi ni Karma.
Bukas pa ang laban ng mga girls. Mabuti iyon dahil makakapanood kami, pero hindi ayos kay Hana. Nakalagay sa schedule ay after nang laban nila, singing contest. How will she focus on singing when she's tired from basketball?
Nanonood kami ngayon nang laban dito sa court. 1st year vs 3rd year ang laban ngayon. Kami susunod mamayang alas otso. 2nd year ang makakalaban namin mamaya.
Maraming magaling din sa 2nd year dahil ang iba sa kanila ay kasama sa team. Pero syempre mas magaling kami.
"Gago madami pa lang magaling sa 1st year," manghang sabi ni Karma.
"Kaya nga tapos ilan lang ang sumali sa team. Sayang talent nung iba," komento rin ni Van.
Konti lang ang sumaling freshman sa team. Mga lima siguro?
"That Flores is a good three points shooter," sabi ni Hana habang nakatingin kay Flores.
Tama. Nakakailang shoot na ng three points si Flores. Lamang na ang points ng 1st year dahil kay Flores. Mukhang mahihirapan kami sa kaniya pag nagkalaban kami.
Natapos ang laban. Lamang ng apat na puntos ang 1st year.
"Magready na kayo," paalala ni Sir Falco sa amin.
Kami na ang susunod na lalaban.
"Good luck," ngiting sabi ni Hana, napangiti naman ako.
"Thanks," sagot ko.
Mas lalo akong ginanahan sa simpleng good luck na iyon.
"Wala na, panalo na tayo niyan," halakhak na sabi ni Karma.
"Shut up!" Siniko agad ang tyan ni Karma.
Dumaing ito sa sakit pero patuloy pa rin ang pagtawa.
Isang malaking pagkakamali talaga na nasabi ko 'Yes' nung tinanong ako ni Hana kung nagseselos ako sa harap niya. May kung ano nang pumasok sa isip ng gago. He thinks I like her. Tsk!
Nasa bench na kami ang nag-uumpisang mag warm up. Kami nila Kiro, Karma, Lance at Dave ang starting five.
"Tsk. Bakit siya pa? Pwede naman si Jack," inis kong bulong.
Hindi ko maintindihan si Sir Falco kung bakit si Dave pa ang sinalang? Pwede naman si Jack? Magaling si Jack. For sure mas magaling pa kay Dave.
"Dave is good at basketball too," rinig kong sabi ni Kiro habang nag w-warm up din.
He heard me.
Hindi na ako magsalita pa at pinatuloy ang pag w-warm up.
Nang inanunsyo na pag-umpisa nang laro ay binalot nang sigawan ang buong court. Karamihan ay mga babae. May mga banner pa sila.
Sa dami ng tao sa bleachers na nagtatalon habang patuloy na sinisigaw ang pangalan naming mga players, nakita ko si Hana. She's smiling at me.
Kusang gumalaw ang kamay ko at kinawayan siya. Nagtilian naman ang mga babaeng nakapalibot sa kaniya lalo na si Yuki. Akala siguro na sila ang kinakawayan ko.
BINABASA MO ANG
Lives for a Life
ActionA painful past that made Shianley Vaughn forget, including his mother's death. He grew up with missing pieces of his past. Now, little did he know, he's being hunted by a notorious syndicate for the things he had done in the past that he couldn't ev...