Shin's POV
I woke up early dahil tuloy-tuloy ang naging tulog ko kagabi, wala man lang gumising sa akin para kumain.
Para tuloy akong isang taon na hindi kumain sa dami nang kinain kong breakfast.
Buti na lang ay wala iyong demonyo kong Kuya kaya nakakain ako. Kung nagkataon kasi na nandito siya sa bahay, hindi talaga ako makakakain. Paniguradong magkaka part two ang sermon niya kung magcross ang landas namin.
Now, I'm walking out of parking lot. Papunta na ako sa room dahil wala naman na akong ibang pupuntahan. Habang naglalakad ay may nakita akong pamilyar na buhok hindi kalayuan. Isa lang ang kilala kong dalawa ang kulay ng buhok at si Hide iyon.
Isa pa itong mokong na ito, hindi malaman ang trip sa buhay. Ipakulay ba naman ng blonde iyong right side ng buhok habang iyong sa left side natira iyong natural hair color niya which is brown. Ang ganda ganda ng buhok, pagtripan.
"Hideaki!" tawag ko. Agad naman lumingon ang gago kaya tumakbo ako palapit sa kaniya.
"Uy, Shin! Morning!" bati nito sa akin.
"Yeah, morning," bati ko pabalik. "Akala ko ba next monday na balik mo? Wednesday pa lang," taka kong tanong.
Nag sabi kasi siya sa amin noong sabado na isang linggo siya mag-aabsent dahil may dumating silang relatives from Japan.
"Akala ko rin. Pinapasok na kasi ako ng kapatid ko," medyo inis nitong sabi.
"Si Kuya Hideo? Bakit naman?" tanong ko.
I mean bakit papapasukin e may relative silang dumating? They should bond.
"No. Iyong kapatid kong dumating," sagot nito.
So, kapatid niya iyong dumating.
"Hoshi? Siya lang mag-isa umuwi rito?" gulat kong tanong.
Hoshi is only 10, same age as my brother, Shion.
"Nope! Ano ka ba, sa tingin mo makakauwi dito iyon ng hindi kasama si Dad? Tsaka kakapunta lang nilang Japan nung isang linggo, baka one month or more pa sila roon," natatawang sabi niya.
Now, I'm confused. Who's sibling is he talking about?
"May iba ka pa bang kapatid?" taka kong tanong. As far as I know, si Kuya Hideo at Hoshi lang ang kapatid niya?
"Apat kaming magkakapatid, ano ka ba! Hindi mo ba alam?" sagot nito na ikinakunot ng noo ko.
"Really?" I asked, confused.
"Oo! Iyong kapatid kong babae na sa Japan lumaki.” When did he tell us that? Dahil wala akong matandaan! "After my mom's death doon na siya tumira, sa Gramps namin. Bumibisita na lang siya rito pag trip niya," paliwanag nito.
"Oh?" Wala akong ibang masagot dahil sa gulat.
"That sister of mine is actually my twin sister. We're fraternal twins." Paulit-ulit akong napakurap dahil sa narinig ko.
A what?!
"Twin sister?! May kambal ka? Kelan pa? Bakit hindi namin alam?!" gulat kong tanong.
We've been friends since we're a kid but this is the first time I've ever heard that Hide has a fucking twin sister!
"You just don't remember. Lagi ka rin kasing tulog pag nagkkwento ako e," natatawang sabi nito.
I'm speechless! How comes I don't know about that? What kind of friend I am? I'm literally the worst friend ever! Imagine sa tagal na naming magkaibigan ngayon ko lang nalaman na may kapatid pa pala siya? At ang worse pa, twin sister niya!

BINABASA MO ANG
Lives for a Life
AzioneA painful past that made Shianley Vaughn forget, including his mother's death. He grew up with missing pieces of his past. Now, little did he know, he's being hunted by a notorious syndicate for the things he had done in the past that he couldn't ev...