Shin's POV
"Picturan niyo dali!"
"Ikaw na putang ina mo!"
"Labas kami riyan gago ka."
"Patay ka riyan paggising niyan.'
"Gago bakit may burat!"
I moved my head. "Hmm..."
"Putang ina!" rinig kong boses ni Karma.
"Takbo, manok!" natawang sigaw ni Van at agad akong nakarinig na mabibigat na yapak palayo.
Nang tuluyan kong maidilat ang mata ko ay bumungad sa akin ang mukha ng mga kaibigan ko na nagpipigil nang tawa habang nakatingin sa akin.
What the fuck is wrong with them?
I furrowed my eyebrows. "What?" I asked.
"N-nothing, pfft!" sabi ni Hide.
"Is there something on my face?" tanong ko.
Unti-unti na akong naiinis dahil sa mga itsura ng kaibigan ko. Kung makatitig sila parang may mali sa mukha ko, idagdag mo pa iyang pagpipigil nila nang tawa.
"Labas na ako," pigil tawang sabi ni Vin at lumabas ng kwarto.
Lalo akong napakunot ng noo nang mapagtanto na nasa kwarto ako, and I'm pretty sure na guess room ito nila Hide, but how did I get here?
"Paano tayo naka-uwi kagabi?" taka kong tanong at tumayo. Naglakad ako papasok sa banyo at biglang nagtakbuhan ang mga kaibigan ko palabas ng kwarto.
What the fuck? I was asking a damn question and they just ran aw-
"Wha-" Nanlaki ang mata ko nang makita ang reflection ko sa salamin. "What the fuck is this?!" inis kong sigaw at hinawakan ang mukha ko na puno ng sulat!
Nakarinig ako nang tawanan sa labas na lalo kong kinainis. Si Karma ang may pinakamalakas na tawa sa kanila.
"YOU'RE FUCKING DEAD, KARMA CENIZAL!" buong lakas kong sigaw.
I'm fucking sure it was Karma who did this to my face!
Hindi na ako lumabas ng banyo at diretso ligo na. Ilang oras kong tinanggal ang mga sulat sa mukha ko. Permanent marker pa ata ang ginamit dahil sobrang hirap tanggalin. Ang pinakamahirap tanggalin sa ginawa nila sa mukha ko ay iyong malaking penis sa noo!
After matanggal ang mga sulat at drawing sa mukha ko ay agad akong lumabas ng banyo para magbihis. Dumaretso ako sa living room pagtapos dahil naririnig ko roon ang boses ni Karma.
"Gago ang tagal ni Shin!" natatawang sabi ni Van.
"Pustahan nahirapan magtanggal iyon ng mga kagaguhang sinulat at dinrawing niyo sa mukha niya!" saad naman ni Hide.
"Matic iyon. Permanent marker ba naman ginamit ni Karma!" ani Kiro.
"Uh- guys..." singit ni Vin habang nakatingin sa akin. Itinuro ako nito at agad naglingunan ang mga kaibigan ko. "T-the devil is here."
"You're a dead meat, Cenizal," I snarled and sprinted towards him.
Tangkang tatakbo ito nang hawakan siya ni Van at Hide.
"Traydor kayo!" sigaw ni Karma habang pilit na kumakawala. "Bitawan niyo ako, putang ina!" mangiyak-ngiyak na sigaw niya.
"Pasensya na, dude, ayoko madamay," sabi ni Van.
"Okay ng ikaw lang, huwag kami," gatong naman ni Hide.
Binuksan ko agad ang permanent marker na hawak ko at dahan-dahan na inilapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Lives for a Life
ActionA painful past that made Shianley Vaughn forget, including his mother's death. He grew up with missing pieces of his past. Now, little did he know, he's being hunted by a notorious syndicate for the things he had done in the past that he couldn't ev...