Chapter 14

27 3 0
                                    

Shin's POV

The game is still not over. We're currently in the 4th quarter. Lamang kami ng sampung points. 56-66 ang score.

Simula nung pinalabas sa laro si Hana, nahirapan maka-points ang kabilang team. Pinalabas si Hana sa game ni Sir Falco dahil nag dugo na naman ang kamay ni Hana. Dapat nga ay ititigil ang laro buti na lang at sinabi ni Hana na ayos ang siya. Umangal din ang mga kaklase namin at kaklase niya kaya wala na ring nagawa si Sir. Pinalabas niya na lang si Hana at pinagpatuloy ang laro.

Nakaupo ngayon si Hana habang pinapalitan naman ni Hide ang bandage sa kamay niya.

"Go, Shin!" sigaw ng mga babaeng nanonood dito.

It's almost lunchtime na rin kasi kaya mas dumami na ang mga estudyante rito.

"7 more minutes!" sigaw ni Sir Falco.

Nasa team namin ang bola. Hawak iyon ni Karma habang binabantayan siya ni Sei.

Sei is good at basketball but not as good as Karma. He's one of the best players on the team. We won't win without him.

Nagawan agad ni Karma nang paraan ang pagbabantay ni Sei sa kaniya. Nalagpasan niya si Sei at mabilis na tumakbo papunta sa basket at agad nitong shinoot.

"Kailangan mo pa ng sampung taong practice bago mo ako matalo," may halong pang-aasar na sabi ni Karma kay Sei.

"Hintayin mo lang makapasok ulit si Hana, ewan ko lang kung uubra iyang yabang mo," taas kilay na sabi ni Shin.

"She won't be coming back here, Sei. We own this game," singit ko sa kanila.

"You don't know about that, Shianley," ngising sabi nito at sinenyasan si Hana.

Napalingon naman ako sa kaniya na tapos na ang pagbabandage sa kamay. Naglakad ito palapit kay Sir Falco at may kung anong sinabi. Umiling si Sir Falco habang may sinasabi.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil malayo kami sa kanila. Pero mukhang kinukumbisi ni Hana si Sir Falco.

"See?" ngising sabi ni Sei.

Agad ako nagkaroon ng idea sa pinag-uusapan ni Sir at Hana. I bet all my blood and flesh, Hana is convincing Sir Falco to let her back to court. But that's obviously won't happen.

"Injured. 'Di na makakabalik iyan dito," sabi ko.

"Just wait," sagot ni Sei habang nakatingin pa rin kila Hana.

Maya-maya lang ay biglang pumito si Sir Falco na ikinatingin naming lahat sa kanila.

"Member change. Team B," tukoy nito sa team nila Hana.

"Reyes," rinig kong banggit ni Hana sa apelyido ni Olan, Iyong pumalit sa kaniya. "I got this," dugtong nito.

Tumango naman si Olan at pumunta na sa section nila. Pumasok na naman si Hana at dumaretso kila Lance.

"She's back," ngising sabi ni Sei at tinalikuran ako.

Lumakad siya palapit kay Hana at nakipag-apir.

"The beast is back. We still got 7 minutes, 'wag nating hayaan makascore ulit sila," sabi ni Kiro habang titig na titig kay Hana.

"Kayo bahala kay Hana at sa iba, ako kay Sei," sabi ni Karma habang nakatitig din kay Sei na tuwang tuwa dahil nakabalik na si Hana sa team.

"I'll guard Hana," sabi ni Kiro.

"No, I will," sabi ko. I'll be the one who will beat Hana. "You guard Lance," sabi ko kay Kiro.

"Ako bahala kay Jake," sabi ni Van.

"May atraso pa si Jack sa akin, tinapakan ako kanina tas hindi siya na foul!" reklamo ni Jericho.

Lives for a LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon