Shin's POV
Nasa kalagitnaan na kami ng paghahanda para sa boodle fight. Sa kusina si Hana, Kiro, Sei, at Aliyah. Kami naman nila Vin at Van ay nandito sa labas, nag iihaw. Si Hide at Karma, pabigat lang sa kusina kanina kaya pinalayas ni Hana roon at nakipaglaro na lang sa mga bata.
Before we started preparing for the boodle fight later, mahaba pa ang naging kwentuhan namin. We found out na Sei is actually adopted and her sister by Tita Ava and her husband. Sei and her sister are originally from this orphanage before this place was burned.
Yes, matagal na nakatayo itong orphanage, may insidenteng nangyari dati na ikinasunog ng lugar na ito at ikinawala ng ibang mga bata rito noon. After a year, Tita Ava and his husband bought this place at pinaayos. Since they couldn't make they own kid they've decided na ipatayo muli ang lugar na ito at alagaan ang mga batang pinabayaan o inabandona ng mga magulang nila.
Lumipas ang ilang oras, inabot na kami ng ala-cinco at sa wakas ay malapit nang matapos ang niluluto.
"Kunin niyo pa iyong lamesa sa loob, kulang pa ito," utos ni Tita Ava.
Inaayos na namin ang kakainan dito sa labas. Hinihelera ang nga lamesa para pagpapatungan ng mga pagkain. Kumuha na rin si Karma at Van ng dahon ng saging para doon ilalagay ang mga pagkain.
Pumunta agad kami sa loob nila Kiro, Hide at Vin para kumuha pa ng lamesa.
Kaming dalawa ni Kiro ang nagbubuhat ng isang lamesa palabas tas si Hide at Vin sa isa. Dinugtong agad namin ito sa lamesang nasa labas.
"Ayos na iyan, salamat," masayang sabi ni Tita Ava.
"Yehey, kainan na!" sigaw ni Ben.
"Gutom na ako!" dagdag ni Gwen.
"Ang bango ng pagkain, natatakam na ako!" saad ni Yuno.
"Ang tagal nila Ate Hana!" sabi ni Marsha.
"Karma is here, everyone!" Napalingon ako kila Karma at Van na kakapasok lang ng gate habang dala ang mga dahon ng saging.
Nilinisan lang ito at inilagay na sa mesa. Sakto naman na lumabas na si Hana, Sei at Aliyah na may dalang tatlong rice cooker na puno ng kanin.
"Kunin niyo iyong iba sa kusina," utos ni Sei.
Inirapan pa siya ni Karma bago pumasok sa loob. Sumunod na kami sa kusina at kinuha ang iba pang pagkain.
Paglabas ay nakahain na ang kanin sa dahon ng saging. Idinagdag nila ang kanin na kinuha namin. Pagtapos ihain ang kanin ay nilagay na naming iba't ibang putahe. Pabalik-balik kami sa kusina at kinukuha ang mga ulam dahil sa dami nito.
"Kakain na!" sigaw ni Tita Ava.
"Teka, Tita, picture muna!" pigil ni Aliyah na katabi ni Vin kay Tita.
"Ate, gutom na kami!" sigaw ni Ben.
"Teka lang, Ben! Picture-picture muna tayo para sa memories!" sabi sa kaniya ni Aliyah.
Pinicturan naman nito ang pagkain. Sunod ay pinaalis niya kami at ang mga bata lang sa likod ng mahabang mesa ang pinicturan, tas after ay lahat naman kami.
"Kami namang nga adults! Picture-an niyo kami, kids!" sigaw ni Aliyah.
Kinuha ng mga bata ang cellphone ni Aliyah at pumwesto sila para kuhanan kami ng picture.
Pumwesto na rin kami sa likuran ng mahabang mesa.
"Kuya Shin, doon ka sa tabi ni Ate Hana, hindi ka makita riyan!" sigaw ng bata at tinuro si Hana na nasa gitna.
BINABASA MO ANG
Lives for a Life
ActionA painful past that made Shianley Vaughn forget, including his mother's death. He grew up with missing pieces of his past. Now, little did he know, he's being hunted by a notorious syndicate for the things he had done in the past that he couldn't ev...