Shin's POV
"Ang aga-aga bad mood ka. Anyare sa iyo?" tanong ni Kiro na kakarating lang. Napahimas ako sa pisngi kong kumikirot pa rin.
"My fucking face still hurts," reklamo ko.
"Weak shit ka pala. Last week pa iyong laban na iyon, tapos masakit pa rin?" natatawang sabi ni Vin na nakaupo ngayon upuan ni Hide na sa harap ni Kiro at katabi ni Karma. Sinamaan ko naman ito nang tingin na ikinatawa niya lalo.
"Fuck you with respect, Harvin. I'm not a weak, sadyang malakas lang sumuntok iyong gagong iyon. Daig pa lalaki."
Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano kasakit ang suntok na iyon. Triple ang sakit sa nararamdaman ko ngayon.
"Hindi ba lalaki?" singit ni Van, kapatid ni Vin.
Vin is like our big brother. He's two years older than us. He just turned 20 nung April. And the rest of us are 17 years old, except kay Kiro. Kaka-18 niya lang nung March. Si Hide naman mag 18 na sa October. I'll be turning 18 in July, next month. Si Karma naman sa August. While Van is in December. Ilang buwan lang ang pagitan namin.
"No, it was a girl," sagot ni Vin sa kapatid niya.
"Paano mo nalaman? Ikaw ha! Sumbong kita kay mama!" banta ni Van sa Kuya niya.
"May part time job ako roon, remember?"
He was actually there while my ass was getting kicked by a freaking girl.
UG is in the underground of Mosca Palace, a club. It's a hidden place that only those who know that place can enter. Paano ka makakapunta kung hindi mo alam, hindi ba? It's also an illegal place, so the fighting happening there is also illegal.
That place has never been caught, the reason is because of connections. Madaming koneksyon si Kuya Hideo. And as far as I know, wala pa rin daw nag rereport sa lugar na iyon ever since na pinatayo iyon. May mga pulis nga ring ginagawang tambayan ang lugar na iyon.
"Hoy, Kuya, sa pagkakaalam ko sa Mosca ka nagtatrabaho, anong ginagawa mo sa UG? Alam mong delikado ang lugar na iyon. Dami-daming wanted criminals na napunta roon!" sigaw ni Van kay Vin.
Aside from being an illegal place, it's also full of wanted criminals. What do you expect from an illegal place, right?
"Sa pagkakaalam ko, mas mataas sahod ng mga waiter na nagdadala ng alak sa UG dahil delikado ang trabaho na iyon, tama?" sabi ni Kiro.
Yes, it's a dangerous job. Biruin mo magdadala ka ng alak sa mga kriminal na may mataas na tsansang matripan ka. Sinong gugustuhin pagtripan ng kriminal?
"I was planning to apply there but Mom didn't allow me. Kaya ayon, hindi na rin pumayag si Kuya Hideo, mayayari daw siya," kamot ulo nitong dugtong.
Kuya Hideo is the owner of Mosca Palace and also Hide, our friend's brother. Kaya nakakalabas pasok kami nang walang napigil sa Mosca at UG kahit underage kami.
Nag-umpisang magtalo ang magkapatid dahil sa trabaho ni Vin. Hindi ko na lang sila pinansin at tumutok na lang sa cellphone ko.
Sakto naman may nag pop-up na message sa screen ng phone ko. And it was from Karma, kaibigan din namin.
Pagkabasa ko ng message ay bigla itong tumawag. Agad ko itong sinagot dahil baka kung ano ang nangyayari sa mokong na ito. Habulin pa naman ng gulo.
"Yo, Shin!" sigaw nito mula sa kabilang linya. Nailayo ko pa ang phone ko sa tenga dahil sa lakas nang sigaw niya.
"What? Sakit sa tenga nang sigaw mo!" medyo inis kong sigaw.
Hindi lang madaldal itong gagong ito, malakas din ang bunganga kaya minsan gusto ko na lang tapalan ng isang dosenang sili ang bunganga.

BINABASA MO ANG
Lives for a Life
ActionA painful past that made Shianley Vaughn forget, including his mother's death. He grew up with missing pieces of his past. Now, little did he know, he's being hunted by a notorious syndicate for the things he had done in the past that he couldn't ev...