Chapter 39

17 1 0
                                    

Shin's POV

After magshower at magpalit ni Hana at Sei dumaretso agad kami sa canteen para kumain. Dapat ay sa labas kami kakain pero baka umaaligid iyong mga tinakasan naming bodyguards kanina sa bahay at kaladkarin ako pauwi.

Halos lahat nang nakakasalubong namin habang papunta sa canteen ay hinaharang si Hana at Sei ng mga estudyante para magpapicture. Mostly ay mga lalaki ang nagpapa-picture na hindi ko nagugustuhan. Nakakainis kasi, like when someone ask Hana for a picture tapos masyadong malapit sa isa't isa, it's not right. I don't like it, kumukulo dugo ko.

"Tagal naman nung dalawa, gutom na ako." Ipinatong ni Sei ang ulo nito sa mesa.

Wala pa kasi si Van at Karma. Mahaba rin ang pila kaya natagalan, marami rin kasing estudyante nakain ngayon dito.

"It's Shin!" Napalingon agad ako sa sigaw ng pinsan ko.

Kumakaway ito sa amin at nasa gilid nito si Chloe na kumakaway rin. Hindi ako kumaway pabalik at hinintay na lang sila na pumunta rito.

"Tumakas ka na naman! Kaya ka napapagalitan ni Kuya Shien, e," salubong agad ni Kim at umupo.

Tumabi naman si Chloe sa akin at medyo nagdikit ang balat namin kaya umatras ako.

"Where have you been? Hindi kita nakita sa basketball court kanina," pag-iiba ko nang usapan.

Sasabunin na naman ako nang tanong nitong si Kim about sa pagtakas ko.

"We watched Volleyball. Hindi ko naman alam na pupunta ka rito sana inaya namin kayo," sagot nito sa akin.

Even if she knew I'm going here hindi ako sa sasama sa kanila manood ng Volleyball. I prefer to watch Basketball games rather than Volleyball.

"Sa Basketball court kami kanina. We watched Hana and Sei's game," saad ni Vin.

"You should've watch with us, mas mainit ang laban ng basketball," dagdag ni Kiro.

"Yeah. You could've seen how good my sister and Sei's play was," gatong ni Hide.

"Oh, my god!" Napatakip pa ng bibig na nakauwang si Kim habang nakatingin kay Hide. "You should've said na you wanted to be with me!" Lumapit si Kim kay Hide at agad pinalupot ang kamay sa braso ni Hide.

"What the- I didn't say I wanted to be with you!" tugon agad ni Hide.

Hindi na pinakawalan ni Kim si Hide at nakipagsiksikan sa pwesto nila. Sakto naman na dumating ang dalawa at nagsi-upan. Ending, si Hana ang ipit na ipit.

"Tang ina ang sikip na!" reklamo ni Karma at pilit na tinutulak si Hide. Tumutulak naman si Kim pabalik para hindi ito mahulog.

Si Hana at si Hide ang kawawa, parehas naiipit.

"Hana, sit here," tawag ni Kiro kay Hana. "Sei move a little para magkaspace si Hana, para na silang sardinas ba nagsisiksikan sa lata oh," natatawa pang sabi ni Kiro.

Umusod ang dalawa hanggang sa nagkaspace sa gitna namin ni Kiro.

She's sitting beside me! Oh, my god.... my heart went crazy again!

"Okay, I'm done here!" Hinampas pa ni Hana ang mesa bago umalis sa upuan niya.

Lumakad ito papunta sa side namin at umupo sa gitna namin ni Kiro. Paulit-ulit ang paglunok ko at tumagaktak ang pawis ko nang magdikit ang malambot nitong balat sa akin. Napapikit na lang ako nang maamoy ang nakakaadik nito perfume. God, I really love her smell!

"Ito kasing dalawang ito parang sira, lumipat tuloy si Hana!" inis na sabi ni Karma at lumayo kay Hide at Kim.

"Si Kim kasi, e!" turo naman ni Hide sa pinsan ko ba kapit na kapit pa rin kay Hide. "Shin, oh!" sumbong nito..

Lives for a LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon