Chapter 12

31 2 0
                                    

Shin's POV

I went early to school dahil trip ko lang. Maaga rin kasi akong nagising.

Maganda ang gising ko kanina. Yes, kanina lang dahil sa nakakagagong nakita ko sa internet!

"Gago, pre, viral iyong video nang away ni Lance tas ni Hana all over social media!" sigaw ni Karma na nakatutok sa phone nito na pinapanood ang video nang away ni Lance at Hana nung Tuesday.

It was posted on social media by an anonymous person this morning. I'm pretty sure that the person who posted it is in the same class as Hana and my cousin dahil wala namang ibang students na from another section na nandoon except for us.

"Alamin niyo nga kung sino nagpost niyan! Makakatikim talaga siya o sila sa akin!" inis kong sigaw.

Who wouldn't be pissed e putang ina kitang kita ako sa video na sinapak si Lance! For sure makakarating sa principal ito at makikita ng Kuya ko! Mayayari na naman ako!

I will really kill whoever posted this!

"GOOD MORNING, ASSHOLES!" Naagaw ni Hide ang pansin namin nang bigla itong sumigaw.

Abot tengang ngiti nitong pumasok dito sa room at dumaretso dito sa pwesto namin. Umupo agad ito sa upuan niya sa tabi ni Karma.

"Ikaw ang asshole dito, Hide! Wala kang paramdam nung nasa hospital si Hana! Baka nakalimutan mong worried din kami ha?" may halong inis sa boses ni Kiro.

To make it clear. Sila lang ang worried, hindi ako. Why would I be worried about that girl?

"Sorry na! Okay naman siya ngayon," sagot naman ni Hide.

"Papasok na ba siya ngayon?" tanong ni Karma. "Nandito rin iyon kahapon, e."

"I know. That stubborn girl. Anyways, hindi pa siya makakapasok ngayon. Sabi ni Wyne, she needs to rest for a week," sagot naman ni Hide.

"Really? I just saw her though?" Biglang sumulpot ang magkapatid sa upuang nasa harap nila Karma at Hide. Kakarating lang at hindi namin namalayan.

"What? Seryoso ka ba?" gulat na tanong ni Hide habang kunot ang oo.

"Oo nga. Kasama niya pa nga si Sei," sabi ni Van.

"Pasaway talaga!" sigaw ni Hide at tumayo.

Naglakad ito papunta sa pinto ng bigla siyang sinalubong ni Miss Alejo.

"Pasok sa loob," may awtoridad na utos ni Miss Alejo.

"Wala pa namang time, Miss. May pupuntahan lang ho ako, saglit lang naman, please." Nakadikit pa ang palad ni Hide.

"Hindi pwede. Ilang minuto na lang tutunog na ang bell. Sana kanina mo pa pinuntahan iyang pupuntahan mo," taas kilay na sabi ni Miss Alejo. "Lakad, bumalik ka na sa upuan mo."

"Hoy, Hide, bumalik ka na dito! Ang aga-aga ginagalit mo si Miss Ganda!" sigaw ni Karma. Naghiyawan naman kami at sinigawan si Hide na bumalik na sa upuan.

"Diyan kayo magaling, sa kalokohan!" natatawang sigaw ni Miss Alejo at dumaretso sa desk niya. "Mamaya mo na puntahan iyang girlfriend mo, Hide. Bumalik ka na sa upuan mo."

Muling naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Miss Alejo. Nag-umpisa rin silang tuksuhin si Hide.

"Huy, Miss! Hindi ko girlfriend iyong pupuntahan ko!" dipensa agad ni Hide at naglakad na pabalik dito sa upuan niya. "Kapatid ko iyon!" dugtong nito.

"Oh?" sabi ni Miss Alejo.

"Oo, Miss. Babae. Fraternal twins kami," proud na sabi ni Hide.

Napa 'oh' naman ang buong kaklase namin. Hindi sila makapaniwala na may kambal si Hide. Kahit ako rin nung una.

Lives for a LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon