Chapter 5

44 3 0
                                        

Shin's POV

A week has passed, it's monday again. Nothing new happened last week, school-bahay pa rin. I don't have any plan to go at Mosca for now lalo na't mainit pa ang dugo ni Kuya sa akin. Hindi pa rin niya ako gaanong pinapansin.

I left early today dahil nakasimangot na naman si Kuya, baka pag-initan lang ako, delikado na.

After I parked my car nakita ko agad si Kiro na kakalabas lang sa EV6 niya. Nilapitan ko agad siya para sumabay papasok.

"Morning," bati nito.

Tinanguan ko siya at binati rin, "Morning," bati ko pabalik.

Tahimik na kami naglakad papasok hanggang sa may biglang umakbay sa akin at kay Kiro.

"Morning!" sigaw ni Karma. Muntik na ako mabingi sa lakas nang sigaw ng gagong ito.

"Malapit-lapit ko na talagang salpakan ng sili iyang bibig mo!" inis na sigaw ni Kiro at inalis ang pagkaka-akbay niya. Inalis ko rin ang kamay nito sa balikat ko.

"Pwede bang mag shut the fuck up ka for a month? Malapit na kami mabingi sa iyo e," sarkastikong sabi ko.

"Sige sabi mo e," pangpipiloso naman ni Karma. Akmang babatukan ko na siya nang iharang niya ang kamay sa ulo niya. "Joke, sorry, putang ina mo! Aga-aga masyado kang bayolente!"

"Sinong hindi magiging bayolente sa bunganga mo?" sarkastikong tanong ni Kiro.

"Si Mom?" Hindi pa sure si Karma sa sinabi niya. Jusko!

"Tanga napipikon na rin sa iyo si Tita hindi niya lang sinasabi!" sigaw ni Kiro.

"Talaga ba? Sana sinabi mo sa pagong," pang-aasar ni Karma.

Sasaktan na sana si ni Kiro nang biglang tumakbo ng mabilis si Karma papunta sa room. Hindi naman nag pa-awat si Kiro at hinabol si Karma.

Oh, lord, what have I done to make you send me childish friends? Parusa ba sa mga kasalanan ko ito?

Nang nakarating ako sa room ay agad ako pumasok at dumaretso sa upuan. Si Kiro ay binatukan si Karma bago umupo sa upuan niya. Humabol pa nang batok si Van na hindi pinalagpas ni Karma. Nagsasakitan na iyong dalawa. Si  Vin tahimik na nakaupo, buto naman. At buti na rin at wala si Hide dahil for sure makikisa–

"Good morning, guys!" Naagaw ng pansin mo agad nang biglang sumigaw si Hide. Pagkapasok ay dumaretso sa upuan at inilapag ang bag tapos nakisali sa dalawa.

Hindi ko na lang sila pinansin at inilabas ang phone ko. I'll just read some manga or manhwa habang naghihintay mag-start ang class.

"Have you guys heard about the new students?" biglang sabi ni Vin. Natahimik naman iyong naghaharutan at napatigil din ako sa pagbabasa.

"New students?" takang tanong ni Kiro.

"May bagong students?" tanong din ni Hide.

"Sure ka, Kuya, na students? With s? Hindi student without s?" pagkukumpirma ni Van at agad siyang tinanguan ng kapatid niya.

"Weh?" tanong naman ni Karma at tinanguan din siya ni Vin.

"What grade and section?" taka ko ring tanong. I'm kind of interested.

"I heard they have the same grade as us, and for the section, the same class as Kim and Chloe," sagot nito.

"Babae ba o lalaki? Tsaka ilan?" tanong ni Van.

"Sa pagkakaalam ko dalawa tas parehas daw babae," walang kasiguraduhang sagot ni Vin.

"Oh, babae! Tignan natin!" naeexcite na sabi ni Karma. Nakatikim naman ito ng batok mula kay Hide.

Lives for a LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon