Chapter 28

14 2 0
                                    

Shin's POV

After two days, hindi pa rin nagigising si Hana. Inilipat na siya sa bahay nila dahil baka nakakaistorbo na kila Vin. Kinabukasan rin after nung nangyari kay Hana, napilitan kaming lahat pumasok kahit si Hide at Sei. Pinagbantaan siya ni Doc Wayne at Gun na hindi nila ipapakita si Hana sa kaniya pag hindi siya pumasok.

Lunch break namin ngayon at nasa canteen kami. Hindi pa rin ako kinakausap ni Hide at Kiro pero buti na lang at nakakausap ko sila Karma.

"Kamusta si Hana, Hide?" tanong ni Vin.

"Doc Wayne said she's fine," walang ganang sabi ni Hide.

"Fine? Then why she hasn't woken up yet?" malamig na tanong ni Kiro at tinapunan ako ng seryosong tingin.

"Her body was too tired after what happened. She resting daw kaya hindi pa gumising, but she's all good," sagot muli ni Hide habang hindi kami tinitignan.

I gritted my teeth and clenched my fist before speaking, "How about you? Are you okay? You look very tired," buong lakas kong sabi na ikinatingin niya sa akin. Walang emosyon ang mga titig niya na nakapagpakaba sa akin. "I'm sorry for what happened..."

"I'm fine. I'll be okay, I will be back to normal as soon as my sister wakes up, so don't worry." Mapait niya akong nginitian. "And stop apologizing. I forgive you, okay? It's not your fault." Umiwas siya nang tingin sa akin at tinuloy ang pagkain.

Of course he doesn't forgive me. Well, maybe he really forgives me pero alam kong hindi niya ako mapapatawad ng buo. It's fine to me as long as he says he forgives me. Tatanggapin ko na lang iyang mga cold treatments niya. He wasn't going to be like that if it weren't me in the first place.

"Nga pala, Shin, sa sabado na birthday mo, ano plano?" tanong bigla ni Vin.

Honestly, nakalimutan ko na birthday ko na pala sa sabado dahil sa nangyari, kung hindi pinaalala ni Vin, makakalimutan ko ng tuluyan.

"I don't know. Probably Dad, Kuya, and Ate are preparing for it," sabi ko na lang. "Sabihan ko na lang kayo about sa time."

"Nice!" sigaw bigla ni Karma. "Damihan niyo handa ha, iyong mabubusog ako," dugtong niya na ikinangiti ko.

"Yeah," sagot ko na lang. "I'm expecting you to come Hide and your family." Nilingon ako niyo at mapait akong nginitian.

"Sure. I won't miss my friend's 18th birthday," sabi niya.

Parang kiniliti ang puso ko sa sinabi niya. 'My friend' is a simple word but means a lot to me. He still thinks of me as his friend after what I have done.

Nang matatapos na ang lunch break ay nagpapasyahan na naming bumalik sa room. Saktong pagtayo namin sa kinauupuan namin ay nagring ang cellphone ni Hide.

"Yes?" walang gana niyang sabi.

Seryoso kaming nakatingin sa kaniya. It could be an update about Hana's situatio-

"She's awake?!" Nanlaki ang mata ni Hide at gumuhit ang malawak na ngiti sa mukha niya.

Maski kami ay napangiti sa narinig. She's awake.

"Okay! I'll be right there, bye!" sigaw ni Hide at pinatay ang cellphone. "My sister just woke up, are you guys coming with me?" excited na sabi niya.

Walang pag-aalinlangang kaming tumango at agad umalis sa school. Ako lang mag-isa sa sasakyan pati si Hide. Kay Kiro naman nakasakay si Vin, Van at Karma.

Nang makapasok kami sa gate ng mansion nila Hide, bumungad sa amin ang halos mahigit limang itim na sasakyan sa labas. Hindi na lang namin ito pinansin at pinark agad ang sasakyan.

Lives for a LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon