Chapter 20

43 3 0
                                    

Shin's POV

Three weeks have passed. June ended and a new month came. It's now July, my birthday is coming.

I just realized that it has been a month since I met Hana. Speaking of the devil, she made it. She was cured, all thanks to Doc. Wayne. He managed to make an antidote on time. I still couldn't forget how much Hana vomited blood when the poison almost got her. Buti na lang ay sakto ang pagdating ni Doc. Wayne with the antidote. I literally couldn't move any inch of my body, I was just standing there habang nagkakagulo sila. No matter how much I wanted to help I couldn't because of my fucking fear of blood.

She just got discharged from the hospital yesterday. Honestly, hindi pa dapat siya mad-discharged if it weren't for her stubbornness. She insisted again to get discharged like before when she fucked her hand up.

"I'm back!" sigaw ni Hide habang nakataas pa ang dalawang kamay.

Dumaretso agad ito sa upuan niya at umupo.

"Sana hindi ka na lang bumalik." Umirap pa si Karma na ikinataas ng kilay ni Hide.

"Come on, man! Past is past, last month pa iyon!" sigaw ni Hide at tinapik pa ang balikat ni Karma. "I already apologized, ginawa ko lahat ng gusto mo, libre pagkain mo araw-araw, may hatid-sundo ka pa, ano pa bang gustong suhol gusto mo para mapatawad ako?"

They already made up, pabebe na lang talaga itong si Karma.

"Isang Mercedes Benz lang iyong c300 para sa forgiveness ko," ngising sabi ni Karma na ikinatawa namin nang malakas.

Mercedes Benz lang? 'Lang'? Nilalang niya lang iyong Mercedes Benz? Ano kala niya, candy lang iyon na mabibili sa halagang piso?

"Ulol! Manigas ka! Ayos halaga ng forgiveness mo ha, almost 50,000 dollars, manigas ka na lang diyan!" sabi nito at tinalikuran ai Karma. "Shin, huwag mo imbitahin iyan sa birthday mo."

"Hindi talaga pag napikon ako," sabi ko naman

"Joke lang! Putang ina mo naman, hindi mabiro!" sigaw ni Karma. "Tara na rito baby Hide, kiss na kita, mwa." Niyakap na ni Karma si Hide at akmang hahalikan ito nang itaas ni Hide ang kamao niya.

"Gusto mo ulit mahalikan kamao ko?" Nakakalokong nginitian ni Hide si Karma.

"Ay, hindi na pala. Hug na lang. Masakit ka sumuntok, akala ko nga na dislocated jaw ko noon, tang ina ka," natawang sabi ni Karma na para bang hindi siya galit na galit nung araw na iyon.

Halos isumpa na nga niya buong pagkatao ni Hide.

"What gift should I buy for you? Is there something you want lately?" tanong ni Kiro sa akin habang nakahawak pa sa baba habang nag-iisip.

"Bakit ka nagtatanong, tanga! Dapat surprise!" sabi naman ni Karma.

Tama nga naman siya.

"Yeah, you're right. Nevermind," sabi nito sa akin na ikinatawa ko.

"Saan ba gaganapin, Shin?" tanong ni Vin.

"Sa house lang," sagot ko naman at napatango sila.

I don't really want it to be grande. I'm fine as long as I'm with my family and friends on my special day.

"Bigla kong naalala." Napatingin kami kay Karma nang magsalita ito.

"Ano iyon?" takang tanong ni Van.

"May gala tayo, hindi ba?" Bigla kong naalala ang usapan naming gala.

Hindi natuloy last month dahil sa mga nangyari hanggang sa tuluyan na naming makalimutan.

Lives for a LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon