Shin's POV
"Ayos porma ha," salubong ni Karma pagpasok niya sa gate namin.
"Happy Birthday, Shin," bati ni Tita Karen, Karma's Mom sa akin.
"Happy birthday, Shin, pakabait ka na," biro pa ni Tito Rey, Karma's Dad.
"Salamat po, Tita, Tito. Pasok po kayo." Tumabi ako at nagbigay daan sa kanila para makapasok sa loob.
Alas sais pa lang ng gabi at nag-uumpisa na magdatingan ang mga bisita na inimbitahan nila Dad. Alas syete umpisa nang party hanggang alas diyes. After noon sa Mosca ang diretso namin.
"Happy birthday, bro," bati ni Karma. "Maganda itong regalo ko, paniguradong magugustuhan." Kumindat pa ito kaya medyo nakaramdam ako na hindi matino ang regalo niya. Hope not, though.
"Lagay mo na lang doon sa table," turo ko sa table sa gilid kung saan halos mapuno na ng mga regalo. "Hintayin natin sila Vin dito," aya ko kay Karma.
Tanging si Karma pa lang kasi andito. Pero on the way na raw sila.
"Shin! Happy birthday!" bati agad ni Van pagpasok ng gate.
"Happy birthday, Shin," bati naman ni Vin. "Lagay ko muna ito roon," turo niya sa lalagyan ng regalo.
Tinanguan ko naman siya. Kinuha niya ang regalong hawak ni Van at umalis.
"Wala pa sila Hide at Kiro?" tanong ni Van.
"May nakita ka bang Kiro at Hide rito?" taas kilay na sabi ni Karma.
"I'm here." Sabay-sabay kaming napalingon ng marinig ang boses ni Kiro. "Happy birthday, Shin!" bati nito.
"Salamat."
"Happy birthday, Shin!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Yuki sa harap ko at niyakap ako.
Mahigpit ang pagkakayakap nito kaya damang-dama ko ang hinaharap niya. I immediately pushed her when I noticed how she's rubbing her chest on me, intentionally.
"What the heck?" inis kong sabi at kumunot ng noo.
Why won't she stop?! She's pissing me off!
"Why, babe? Don't you like it?" malanding pagkakasabi niya at pumalupot sa braso ko.
Sadya niyang idinikit ang braso ko sa dibdib niya kaya agad ko itong inalis. Narinig ko naman ang sipol ng mga kaibigan ko.
"Stop, Yuki. Hindi ako magdadalawang isip na paalisin ka rito," matigas kong sabi. "Pumasok na kayo, ako na lang maghihintay kila Hide rito," malamig kong sabi.
Mukhang naramdaman nilang wala ako sa mood kaya pumasok na sila sa loob. Kinaladkad pa ni Kiro si Yuki dahil nagpupumilit magpaiwan.
Why does she keep doing this? Wala ba siyang hiya sa sarili niya? After what she did to me gaganituhin niya ako? She's a shameless bitch. I shouldn't have let her come here. She'll just ruin my night.
Ilang saglit lang nang paghihintay, may limang sasakyan ang huminto sa harap ng bahay. Ang isang sasakyan ay iyong Lambo ni Hide, iyong isa naman ay iyong Bugatti ni Kuya Hideo. Porsche naman ang isa at kay Sei ito. Iyong isa naman ay hindi pamilyar sa akin pero kulay pulang Ferrari ito. Open naman ang roof ng Lambo ni Hana.
Tatlo ang Lambo ni Hana. I've already seen the Aventador SVJ and the Urus, at ngayon ay nakita ko na ang isa niya pang Lambo. The second most expensive Lamborghini: The Lamborghini Veneno Roadster.
Nakatingin si Hana sa akin na nasa loob pa ng sasakyan. Unang lumabas ng sasakyan si Hide, Sei at Kuya Hide. Bumukas naman ang pulang Ferrari at lumabas si Gun. And lastly, lumabas na si Hana sa sasakyan niya. Gosh, her car is so fucking gorgeous!
BINABASA MO ANG
Lives for a Life
AcciónA painful past that made Shianley Vaughn forget, including his mother's death. He grew up with missing pieces of his past. Now, little did he know, he's being hunted by a notorious syndicate for the things he had done in the past that he couldn't ev...