Chapter 35

29 2 0
                                    

Shin's POV

I went school early dahil may practice kami. Ala cinco ang call time namin para mahaba haba ang practice. Malapit na rin kasi mag Intrams, ilang linggo na lang, baka hindi kami makapagpractice ng maayos at matalo pa. Makakasabay rin ng birthday ni Karma ang Intrams pero buti na lang MWF lang ang schedule namin.

"Good morning!" bati agad ni Karma sa akin pagpasok ng court.

"Morning," bati naman ni Kiro na halatang antok pa. Ang gulo pa ng buhok nito, baka habulin siya ng suklay.

"Morning," bati ko pabalik.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong court, kulang pa ng mga players. Wala pa iyong bwisit na Dave na iyon pati si Lance.

Napakunot naman ako ng noo nang marealized na andito rin pala ang mga babae. Sa bagay, same lang naman ng coach kaya pwede na ring pagsabayin ang training. Napansin ko naman na wala pa si Hana at Sei.

"Sila Hana!" sigaw ni Karma at tumuro sa likuran ko.

Napalingon agad ako at nakita si Sei at Hana na kakapasok lang. Kasabay na rin nila si Lance na nakasimangot. At nasa tabi ni Hana si Dave na abot tenga ang ngiti! Bakit sila sabay?!

"Hi, Shin," bati nung Dave sa akin pero hindi ko ito pinansin at nakay Hana nakatuon ang pansin ko.

What's with them?! Why are they always together?! Fuck!

"Morning," bati ni Hana sa akin.

Sa simpleng bati niya napawi ang irita ko kay Dave ng ilang saglit. What happened?

"Yeah, morning," bati ko rito pa balik. "Morning, Sei," bati ko naman kay Sei at tinanguan lang ako nito.

"Aga-aga ang sungit," irap na sabi ni Karma.

"Sinong hindi magsusungit kung ganiyan makikita ko sa umaga?" mataray namang sagot ni Sei.

Napa 'ohh' ang mga tao rito dahil sa pangta-trash talk nito kay Karma.

"Yabang, hindi naman maganda. Che!" Tinalikuran ni Karma si Sei at lumapit sa mga babae.

Iyong mga tatlong babae ang nilapitan nito, pagkakaalam ko ay Abby ang pangalan nung singkit na maikli ang buhok; Quin naman iyong pangalan nung pinakamatangkad sa kanila; at si Jenna iyong hanggang balikat ang buhok.

"Looking at them again. Which one do you like?" Napatingin naman agad ako kay Hana sa sinabi niya.

"What?" inis kong tanong.

Which one do I like?! What the heck?! Of course none of them! Wala sa kanila ang gusto ko! Yes, they're pretty, but as I said, they're not my type.

"Shin, can I get your number?" Nilingon ko naman ang babae na lumapit sa akin. She's Haydee, I believe.

Tinapunan ko nang tingin si Hana at seryoso ang titig nito sa akin. Naagaw naman nang pansin ko si Dave na nakatitig din sa akin. Naalala ko iyong nangyari sa canteen, nung ibibigay ni Hana ang number niya kay Dave. Tsk!

Walang paligoy-ligoy kong kinuha ang phone nung babae at tinype ang number ko. Inabot ko ito sa kaniya pagkatapos.

"Thank you!" sabi nito at nginitian ko siya pabalik.

Bumalik naman ito sa mga kaibigan niya at nagtitili pa.

"Look who's the one giving their number to a stranger," mariing sabi ni Hana habang matalim na nakatitig sa akin.

Tinalikuran naman ako nito at naglakad palayo. Nakaramdam ako naman ako nang inis.

"Wrong move, man," humalakhak na sabi ni Karma habang naka-akbay roon kay Jenna.

Lives for a LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon