"Putang ina talaga ng nanay mo na 'yan, Isha!" Sigaw ni Tita Riz ang panganay na kapatid ni Daddy. Nandito ako sa bahay ni Lola at sinabi ko sakanila kung anong balak saakin nila Mommy. At alam ko rin naman na malalaman din nila 'to soon dahil mag la-launch ng party ang mga Galvez next year after ng kasal ng isang Galvez at doon na rin ia-announce ang tungkol sa marriage namin ng kung sino man.
Literal na wala akong idea kung sino 'yung lalaki, wala naman sa aking sinabi si Mom kung sino 'yon and I don't have any idea kung sino sa tatlong lalaking Galvez ang papakasalan ko. Maybe kapag nagkita-kita nalang kami nila Mayeth. Hindi ko pa rin nasasabi sakanila.
"Kumalma ka, Riza" si Tito Abet, bunsong kapatid ni Daddy. "Wala tayong magagawa riyan. E, 'yan ang desisyon ng pamilya niya sakanya, e"
"Pero putang ina nila!" Nagulat kami nang pumasok si Lolo. Nandito pala siya at narinig niya ang mga sinabi ko. "Purket mabait itong apo ko at sunod sunuran sakanila ay pagsasamantalahan nila! Asan si Ismael? Wala manlang siyang ginawa? Ipapamigay niya 'yung anak niya sa hindi naman niya kilala?"
Galit na galit si Lolo kaya lumapit ako sakanya at pinakalma ko si Lolo.
"Lo, 'yung puso niyo. Kalma lang po muna kayo, tsaka ayos naman po ako. Ayos lang po sakin" I smiled at Lolo "'Wag niyo na po akong intindihin kasi okay lang naman po sa'kin as long as maayos po sila Mommy at si Denise ay okay po ako"
Nabigla ako nang yakapin ako ni Lola at narinig ko ang kaniyang paghikbi.
"Maswerte sila sa'yo kasi napaka-bait mo, Apo ko. Sobrang bait mo, napaka buti mo. Sunudsunuran ka sakanila... Mahal na mahal mo ang pamilya mo kahit iba ang turing nila sayo. Napaka buti mo, Apo"
Ngumiti nalang ako niyakap pabalik si Lola. Ayokong umiyak at hindi ako umiiyak dahil kaya ko 'to. Hindi ko puwedeng ipakita sakanila na mahina ako. Hindi nila dapat ako kaawaan. I can do this. Kasal lang naman 'to ang importante saakin ay ang pamilya ko.
"Lala, ayos lang po ako. Kasal lang naman po 'yon, hindi ko naman po ikakamatay 'yon"
Ngumiti ako sakanila to assure them that I'm fine kahit ang totoo ay feeling ko ubos na ubos na 'ko. Hindi pa rin matanggap ng puso ko na ikakasal na ako ng ganon ganon lang.
Nagpalipas ako nang ilang araw kila Lola para naman gumaan ang pakiramdam ko saka ko napagdesisyonan na makipagkita kila Anj para sabihin sakanila ang tungkol sa pagpapakasal ko.
Ang weird pakinggan 'yung kasal. Ikakasal na 'ko? Hindi naman sa ayokong magpakasal for life pero hindi ngayon kasi ang dami ko pang gustong gawin at marami pa 'kong pangarap at lalong lalo na na magpapakasal ako sa hindi ko naman kakilala.
"Anong kaputanginahan 'yan, Letizia Lavander?" Sigaw ni Joseff na kinabigla ko. Literal na nagulat silang lahat sa sinabi ko.
"Nasisiraan na ng bait 'yung pamilya mo. Umalis kana diyan, Isha" si Tan na hindi rin nagustuhan ang kinwento ko.
"Gets namin na mayaman ka, gets namin ang buhay na meron ka. Gets namin na matalino ka at nape-pressure ka sa pamilya mo pero hindi ko ma gets ang putanginang arrange marriage na yan?!" Sigaw din ni Anj. "Anong akala nila sa pagpapakasal? Laro lang? Anong akala nila sayo? Laruan na pinapamigay? Pasensya kana, Isha ahh pero walang utak yung pamilya mo."
"Kung pamilya ba talaga ang turing nila sa'yo ew kasi kung pamilya ka nila hindi ka nila ilalagay sa ganyang sitwasyon. Para ka nilang ikinulong" Si Mayeth na galit din.
Bahagya akong napangiti sa mga sinasabi nila. Ibig sabihin kasi noon ay nag care talaga sila sakin and at some point tama din naman sila pero ayoko nalang isipin dahil ayoko ng negative sa life ko.
YOU ARE READING
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, she struggles with personal issues stemming from her mother'...