10

97.5K 1.5K 246
                                    

"Isha, kumusta naman ang buhay may -asawa?" Tanong ni Arisa habang pumapalo kami. Gumugulong ako sa sahig ngayon bilang training ko. Tumigil ako sa pag gulong at tumingin kay Arisa na middle blocker namin.

"Okay naman," I smiled at her.

"Hindi ba mahirap? Like at a young age may asawa kana?" Gem asked. Umiling ako.

"Sakto lang, hindi naman ganoon kahirap dahil siguro bago pa lang kami."

"Oo, 'yang mga stage na 'yan, 'yan pa lang yung part na masasarap. Enjoy niyo na 'yan kasi parating na kayo sa point na iyakan." napangiti ako sa sinabi ni Emily.

Iyakan? Bakit naman iiyak? Ano naman ang nakakaiyak doon?

"Ano ka ba, Emily, 'wag mong takutin ang Isha natin, basta Isha, lagi mong tatandaan na ang matinding away naayos yan ng isang mainit na sex" Nanlaki ang mata ko nang sabihin yon ni Arisa. Loko talaga ang isang to, parang si Anj.

"Ewan ko sainyo" bumalik nalang ako sa pag-practice  at hindi pinansin ang panloloko pa nila. Kung pwede ko lang sabihin na wala akong sex life at never pa kaming nag tabi ni Saint ay sinabi ko na pero ayoko naman na magduda sila. 

After ng practice ay umuwi na ako dahil madami pa akong gagawing school works. Halos malula na nga ako sa dami ng ginagawa ko e pero keri lang. Nagluto muna ako ng dinner bago ko sinimulan ang gawain ko, okay din 'to para mahintay ko si Saint.

Saktong natapos ako sa papers ko ay umuwi ang asawa kong as usual nakabusangot, akala mo pasan ang mundo. Ngumiti ako sakanya, matagal niya akong tinitigan lang saka nagiwas ng tingin. 

"Tara, kain? Hinintay uli kita" I smiled at him habang naghahain ako sa dining. Umiling siya.

"I don't want to eat" Sagot ni Saint. Ngumuso ako at malungkot na tinignan ang pagkain.

"Sayang naman, hindi ko mauubos tong nilagang baboy, ayaw mo ba talaga?" Tanong ko pa uli. Umiling uli si Saint.

"I'm full." 

"Ah." Naglakad na papuntang kuwarto si Saint sakto naman ay may biglang tumawag sakin kaya sinagot ko agad.

"Jackson?" Tanong ko. Bakit siya napatawag ng ganitong oras?

[Sorry for calling, Isha, I just want to know if you're free tonight. Dinner lang with you, wala kasi akong kasabay and you know how I hate being alone, wala akong ibang maaya e, kaya ikaw nalang, if you want?]

"Dinner? Hindi ba late na tiyaka wala ka bang practice bukas?" I asked Jax. Tinignan ko ang niluto ko. Ayaw nga ni Jax ng nag iisa, ayaw nun ng loner e, kaya kami naging close dahil tuwing mag isa siya lagi niya akong inaayang mag coffee sa Diliman.

[Wala, ano g ka? Sunduin-]

"Let's eat" Napalingon ako kay Saint na nagsalita. Umupo siya sa harap ko at tinaasan ako ng kilay. "Let's eat, I'm hungry, Lavender" Ulit niya pa. Napalunok ako at mabilis na tumango. Shet! Akala ko ba ay busog siya?

"Ahh, Jax sorry, hindi pwede ngayon, next time nalang. Bye!" Pinatay ko na agad ang tawag bago pa man makapagsalita si Jackson. Alam ko kasing kukulitin ako ng lalaking yon e.

"So, you're having dinner with your fling, huh?" Umupo ako sa isang chair sa harap ni Saint. Tinaasan niya uli ako ng kilay. Ngumiti ako kay Saint at umiling.

"Di ko fling yon, friends kami" Sagot ko. 

"That's the same" He argued. Ngumuso ako. So pag friends, fling? 

"So ka-fling mo sila Rigs? Diba friend mo sila?" I raised a brow.

"I'm not a gay, Lavender"

"E si Amy?" 

Saved from the Dark (Galvez series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon