13

82.1K 1.2K 141
                                    

"Sperm ba yan ni Trev?" Tanong ng med tech kong katabi dito sa labaratory. Tatlo silang nasa harap ko at pinagmamasdan ang container na nilabas ko. Bahagya akong ngumiti sakanila dahil sa kahihiyan and at the same time nakakainis dahil bakit nila gustong malaman ang sperm ng asawa ko?

"Tigilan niyo yan Teressa, pati sperm ng iba pinapakialaman nyo" sigaw ng isang med tech na lalaki sa kabilang side. Napairap yung nagtanong na babae kanina saka umalis silang tatlo sa harap ko.

"Nag tatanong lang naman ako kung kay Trevor ba 'yon!" Sigaw ng babae nang umaalis.

"Malamang, asawa niya 'yon alangan hingin niya pa 'yon sa iba?" 

Napangiti nalang ako at hindi na pinansin ang mga sinasabi ng mga kasama ko dito. The activity started when our professor arrived. May kaunting discussion tapos na proceed na kami sa sperm analysis.

Ang weird na pinag-aaralan ko ang sperm ng asawa ko. 'Di ko alam kung bakit ganito ang feeling. Medyo nahihiya ako, may mga tumitingin din kasi sa akin. Baka iniisip yata nila tinulungan ko si Saint.

After no'n ay nakipag kita na ako kila Anj para mag celebrate na kami dahil finally ay makakapag bakasyon na ako. May kailangan pa akong i-submit na case study pero tapos naman na 'yon need nalang lagyan ng ibang details.

"Burikat! Nasaan ang sperm ni Trev?" 'Yan agad ang ibunungad sa akin ni Anj nang makarating ako sa apartment nila Tan at Seff.

"Wala na, tinapon ko na, tapos na, e."

"Tangina, hindi mo manlang pinakita sa'min?" Naglapag ng mga ihaw-ihaw si Mayeth. Si Tan naman ay soft drinks, si Seff naman ay isang kaderong kanin ang nilapag sa lamesa. 

"Musta?" Tanong ni Seff.

"Okay naman," Sagot lo. Kumuha ako ng dalawang plato at ang isa ay binigay ko sakaniya.

"Tinatrato ka ba ng tama ng asawa mo?" Tanong ni Joseff.

"Oo naman, mabait si Trev, gusto niya nga kayong ma meet personall, e. Isaama natin siyang mag KTV sometimes." Ngumiti ako sakanila. Hindi naman sinabi ni Trev na gusto niyang ma-meet ang mga kaibigan ko pero alam kong dapat niyang ma-meet ang mga kaibigan ko kaya sinabi ko tsaka kailangan nice ang background ni Trev sakanila.

"Talaga, gusto akong ma-meet ng asawa mo?" Excited na tanong ni Anj. Binatukan siya ni Mayeth.

"Tayong lahat daw, gaga!" 

"Sabihin mo, inuman kami" Sabi ni Joseff. "One vs one, empi, no chaser" Nakipag apir pa siya kay Tan.

"Tulog yon mga two days" sabi pa ni Tan. Napangiwi ako sakanila. E hindi ko nga alam kung umiinom ba ng ganong alak si Saint. Habang kumakain at nag kwentuhan kami ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pasimple ko naman itong tinignan at nakita ko ang pangalan ni Saint.

From: Sainty

What time will you go home? 

To: Sainty

Mamaya pa mga gabi, papahatid nalang ako. 

From Sainty

Why? Have you eaten?

To: Sainty

Kumakain palang, ikaw? 

From: Sainty

Not yet, I'll wait for you

Kumunot ang noo ko sa nireply niya.

To: Sainty

Asa condo ka na ba? Ang aga mo namang umuwi.

From: Sainty

I didn't go to work

Saved from the Dark (Galvez series #4)Where stories live. Discover now