Pumunta na ako sa cashier pagkatapos kong maibigay ang number ko kay Saint hindi ko alam kung nakasunod pa rin ba siya sa akin. Wala na akong pakialam. Ang gusto ko nalang ay umuwi at yakapin si Velle. Hindi na ako iiyak. Hindi na dapat ako umiiyak dahil iba na ang priority ko ngayon. May anak na ako na rason ng lahat kung bakit hindi dapat ako sumuko.
Tiyaka ginusto ko 'to. Ako ang umalis. Ako ang nang-iwan. Hindi ako biktima pero nasaktan ako. Masakit ang ginawa niya sa 'kin at lahat ng nalaman at pinagdaanan ko.
"That would be five thousand four hundred fifty-six" Sabi ng cashier. Kinuha ko ang wallet ko sa bag para kuhanin ang cash ko pero natigilan ako nang makita ko ang black card na inabot ng nasa likuran ko. Tumingin ako sa nakangising si Saint.
"It's on me"
Hindi ko alam kung nangaasar ba 'to o ano. Kanina pa siya. Wala naman siyang binili kundi ang isang pork at isang napkin pero sunod siya nang sunod saakin.
"Hindi na" Umiling ako at tumingin sa cashier na nakatingin sa amin. Kinuha ko ang cash ko sa wallet. Binilang ko muna 'yon bago ibinigay sa cashier.
"It's okay. I can pay." Sabi na naman ni Saint at iniabot uli ang black card niya. Hindi ko alam kung niyayabang niya lang ba sa akin 'yon.
"I can also pay, Trevor," Inilayo ko ang kamay niya at ang cash ko ang binigay ko sa cashier.
"Aren't you going to take all your things from the condo?" Tanong nanaman niya habang binabayaran ang dalawang pinamili na sa malaking cart pa nakalagay.
"Hindi ko alam, kukuhanin ko nalang siguro 'yung susi para pagkukuhanin ko na ay hindi na kita maabala," Tanging sagot ko habang hinihintay yung mga grocery ko na nilalagay sa eco bag ng staff.
Hindi na nagsalita si Saint. Kinuha ko ang dalawang eco bag na pinamili ko. Medyo mabigat 'yon pero sanay naman ako dahil ako lagi ang nag grocery sa Provence.
"Let me help you" Nagulat ako nang kuhanin ni Saint ang isang eco bag sa kamay ko. Napahinto ako at kumunot ang noo ko sakanya lalo na nang kunin pa niya ang isang eco bag sa kamay ko.
"Ako na, kaya ko yan" Pilit kong kinukuha kay Saint yung eco bag pero hindi niya ako pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad. "Trevor, ano ba?" Bahagyang sigaw ko. Pinagtitinginan na kami ng iba.
"Trevor!" Sigaw ko. Hindi ako pinapansin ng gago. Nagmadali ako nang mapansin na pababa itong pinupuntahan niya. Papuntang parking lot.
"Trevor naman!" I shouted again.
"Where's your car?" He asked. Tumigil at lumingon saakin.
"Wala akong car, akin na na 'yan magaabang na ako ng taxi" I told him at kinuha ko ang dalawang eco bag. Kaya ko naman 'to. I've been doing this for years.
Inilapag ko ang dalawang eco bag muna nang makuha ko 'to kay Saint. Bibili pa pala ako ng hapunan namin. Nagtaas ako ng tingin dahil nandito pa rin si Saint sa harap ko at pinagmamasdan ako.
"Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko. Nag iwas siya ng tingin sa akin. Napansin ko rin na kanina pa nag ring yung cellphone niya pero hindi niya 'yon sinasagot.
"I-I'll take you home" Nauutal na sabi ni Saint. Umiling ako sakanya. Naawa ba siya sakin dahil wala akong kotse? Okay lang naman ako tsaka hindi niya na ako kailangang ihatid, hindi ba't may girlfriend siya? Ano nalang ang iisipin ng girlfriend niya kapag nalamang hinatid niya ako pauwi, diba?
"Wag na, kaya ko na" Bahagya akong ngumiti at kinuha ko na ang dalawang eco bag ng groceries. May kabigatan nga pero keri ko naman.
"Fuck it!" I heard him curse. Bigla na naman niyang kinuha ang eco bag sa akin. Mukha na talaga kaming tanga.
YOU ARE READING
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, she struggles with personal issues stemming from her mother'...