"Mommy, where are we going again?" Velle asked while looking at herself in the mirror. She was wearing a pink shirt and pink skirt na may pink turban sa head ni Velle. Hawak niya rin ang color pink na barbie niya at yung stuffed puppy niya.
"We're going to meet your Daddy!" Masayang sabi ko. Kitang kita ko kung paano nawala ang ngiti ni Velle at napalitan ng takot ang mata niya. Velle looked at me like she was about to cry. Napangisi ako.
"Just kidding, baby" Lumapit ako sakanya at pinisil ang pisngi ng anak kong napaka-cute. Aasarin ko lang dapat pero paiyak na. "We will not go to your Daddy"
Hindi ako nakipag kita ngayon kay Saint dahil pupunta kaming Laguna ni Velle para dalawin ang puntod ni Lolo at Lola. Next week na lang para makapag handa rin ako. Para hindi ako masyadong emotional kapag pinaguusapan ang annulment.
"Velle, what's your full name again?" I asked Velle habang bumabyahe kami papuntang Laguna.
"Sierra Lavelle V. Galvez," Velle answered while looking outside the window.
"Who's your Mommy?" I asked her again.
"Letizia Lavender V. Galvez," She answered, smiling.
"what if someone asks about your daddy?" Tanong ko at hinagod ang buhok ni Velle.
"I don't know him po" Nawala ang ngiti ni Velle. "Because I don't have one"
"Velle, may Daddy ka." Huminto ako at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung paano ko dudugtungan 'yon. "Y-your Daddy's name is..."
Lumingon sa akin si Velle like she's waiting for me to continue.
"Saint Trevor Red Galvez," I answered, smiling at my daughter. "His name is so long, 'no?" Bahagya akong tumawa.
"He's a Galvez too, Mommy?" Velle asked. Her brow furrowed.
"He is because Your Dad and I are married. We have been married for almost eight years now, baby" I smiled at her.
"You're married, Mommy?" Tila ba nagulat siya sa nalaman niya.
"I am, baby"
"You love him, Mommy?" Natigilan ako sa tinanong ni Velle. "Did you love him when you made me? I thought I wasn't planned, Mommy?"
"V-Velle..."
"Did he want to have a child with you, Mommy?" Dagdag na tanong pa ni Velle.
"Y-yes, baby" Nauutal kong sagot. "Hindi ka planado, baby, but you're not unwanted. 'Yan ang tatandaan mo, Velle. Your Daddy doesn't know you yet, but when we were together, he wanted to have a child with me. Gustong gusto ng Daddy mo na magkaanak that time, he always wanted to have you, Velle." Niyakap ko si Velle. May mga takas na luha na kumawala sa mata ko.
Nasasaktan ako para sa anak ko. Ayoko na maisip niya na unwanted din niya kagaya ko. She was never the unwanted dahil pinili ko siya. I chose her and I love her so much. Kung hindi ako umalis ay alam kong sobrang saya rin ni Saint ngayon.
"I love you, Velle. I love you so much. Mommy loves you so much" I feel so sorry for her. I feel so sorry because she felt that way. Kasalanan ko e, kasalanan ko na hindi ko sinabi agad sakanya, hinintay ko pang tumagal ng ilang taon bago ako naging handa. It's all my fault.
Nakatulog si Velle sa buong byahe. Mahigit isang oras din ang byahe. Kumain muna kami ng lunch ni Velle sa isang seafood restaurant dito sa Laguna kasama ang mga bodyguard saka kami pumunta sa cemetery kung nasaan ang puntod ni Lolo at Lola.
Naninikip ang dibdib ko habang hinahanap namin yung grave ni Lolo at Lola. Okay naman na ako e, natanggap ko na rin pero pagnaalala ko lang hindi ko maiwasang hindi masaktan. Nasasaktan pa rin ako pag naalala ko na napaka-laki ng pagkukulang ko kila Lolo at Lola.
YOU ARE READING
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, she struggles with personal issues stemming from her mother'...