Nakauwi na kami ni Saint sa Pinas at as expected sobang trending namin sa buong Pilipinas na ata. Balita kami sa ibat ibang news and article. Gusto pa nga akong interviewhin ng sports tv e kaso lang ang sabi ko ay busy pa ako. Busy naman talaga ako dahil ang dami kong naiwan na paper works and activity sa school. Wala akong summer break dahil don.
"Dito kana titira?" Nakangiting tanong ko kay Saint. Nililipat niya kasi uli yung mga gamit niya sa condo niya e. Tumango siya sakin.
"Oh My Gosh! Eto na talaga yon!" Bahagya akong tumalon sa tuwa. "Ihhh! Nafe-feel ko na ang asawa duty ko"
"Quiet, Miss" Inis akong tinignan ni Saint.
"Anong Miss? Misis mo ko, hoy!" Inirapan ko siya. "Hoy! Ikaw Saint ha! Kasal kana baka makalimutan mo!" Pinaningkitan ko ng mata ang lalaki
"Yes, I know" Pinihit niya ang door knob ng kwarto niya. Tumingin muna siya sakin bago siya pumasok. "Again, I don't like noisy girls, Lavender" Pumasok na siyang tuluyan sa kwarto niya at iniwan akong nakangiwi dito.
"Sungit mo" bulong ko at pumasok na din ako sa kwarto ko.
Kinaumagahan ay nag alarm ako ng sobrang aga para mag luto ng breakfast namin ni Sainty mah honey bunch sugar plum. Hihintayin ko sanang kumain si Saint kaso lang ay 6:30 na hindi pa din siya bumabangon. Baka tanghali ang pasok niya? O kailangan ko na siyang gisingin?
Tama, I'm his wife at duty ko yon.
Pumunta ako sa harap ng kwarto niya at kumatok ako doon.
"Saint! Tanghali na po!" Sigaw ko. Kumatok uli ako ng ilang beses pero wala namang sumasagot. "Saint Trevor Red!" Tawag ko. Huminga ako ng malalim at hindi ko na inulit.
Kumain na akong mag isa at pagkatapos non ay nilagay ko yung carbonara na niluto ko sa isang baunan at nag lagay ako ng note don "Eat your breakfast, Sainty" naglagay pa ako ng puso puso sa gilid.
Naligo na ako at nagbihis saka nag ayos para pumasok sa school. Lumabas na ako at nakita kong sarado pa din ang pintuan ni Saint at hindi pa din nagagalaw ang breakfast niya. Anong oras ba ang pasok ng lalaking yon?
"Saint!" Kumatok ulit ako sa kwarto niya pero as usual wala pa ring sumasagot. "Papasok na ko, your breakfast is ready. Bye"
Umalis na ako at pumasok na sa school. Pag pasok na pag pasok ko palang sa classroom ay isang sigawan na at mga nagtitili ang bumungad sakin. Napaawang ang labi ko nang maging ang adviser namin ay nakisali sa surprise nila. May hawak pang cake si Ma'am Anne.
"Congratulation to the new Mrs. Galvez" Ma'am Anne said at binigay sakin ang custumize wedding cake.
"Thank you, Ma'am" Ngumiti ako sakanila. "Thank you sainyo.
Inisaisa akong yakapin nila Anji at kinwento ko sakanila ang nangyari sa China. Andami kasing picture na kumakalat online tungkol sa kasal namin ni Saint at andami ding speculation na arrange marriage ang nangyari dahil sa China pa da ginawa ang kasal. Sobrang trending nga kami ni Saint e.
"Nakita mo na ba ang mga shared post ni Hugo? Grabe sobrang sadboi" sabi ni Mayeth. Alam ko yon dahil nag send sakin ng long message si Hugo, sobrang haba at hindi naman sa dinidisregard ko yung feelings niya pero kasi ang haba e mga three back to back yellow paper na essay siguro yon kaya hindi ko nabasa, dinaig pa niya ang research paper ko.
Pero ang sabi ko nalang na, makakahanap din siya ng para sakanya. Hugo is really a nice guy, super bait niya at generous kaso lang ay hindi ganon ang type ng pushue ko.
"E si Jackson Ong? Si Chinito Basketball captain of UP fighting maroons?" Tanong ni Anj. Kumunot ang noo ko.
"Nag congratulate lang" Sagot ko.
YOU ARE READING
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, Letizia is struggling with personal issues stemming from her...