"Galvez, Letizia Lavender V." I stood up together with my Dad. "Magna Cum Laude" Dad and I went to the stage. Graduation day today and finally after a long run. I'm finally free. Buo ang buto, at maayos ang katawan.
I survived nursing. Hindi madali. Sobrang hirap. Pressure. Cramming. Anxiety. Lahat na ata ng sakit na pwede mong mararmdaman mararanasan mo sa nursing pero sobrang worth it lahat ng 'yon nang makuha ko na ang diploma ko. I finally did it!
Thank you so much, University of the Philippines. You've been good to me for the past four years of my life. You are my dream, you are perfect. Thank you for letting me in and now... finally I'm out.
"This is Letizia Vergara Galvez of UP Fighting Maroons women's volleyball and the Best libero of three consecutive seasons. Now signing off"
Nagpaparty Ang mga Galvez saakin together with my whole family. Kapansin pansin na rin ang pag iwas ni Daddy Kay Mommy. They were avoiding each other. Hindi ko alam kung ano nanaman ang problema. Is this about Dad again? Yung accusation ni Mom na may babae si Daddy?
"Congrats, My love" Saint kissed me. Nandito na kami sa room niya ngayon sa mansion dahil tapos na ang party. Nilapag ko Ang mga gifts na natanggap ko sa sofa. Puro mamahalin at mga luxury ang gift na natanggap ko at syempre pasabog ang gift saakin ni Saint.
"Thank you, love" I smiled at him.
"So..." He smirked at me. "Any... Plans?"
Nakuha ko agad kung ano ang gusto niyang iparating. Mahina kong pinalo ang dibdib niya at humiwalay ako sa pagkakayakap. Naghubad ako ng damit ko at dumiretso ako sa cr.
"Come on, Amore." Sumunod saakin si Saint. Kitang kita ko sa salamin ang pag tanggal niya ng necktie at ng polo niya.
"Mag eexam pa ako and then I need to be a nurse. Kailangan ko pang bantayan si Lola" I smiled at Saint. Madami pa akong gustong gawin at gusto ko muna siyang ma-solo ng matagal. Kapag nagkaanak kami ay hindi ko na magagawa 'yon.
"Okay, I'll wait whenever you're ready" Saint hugged my waist and kissed me.
Nag review ako for NLE. Kasabay kong nag review sila Anj. Seryosong seryoso kami ngayon dahil ito na yon, isang step nalang at Nurse na talaga kami.
"Pag pumasa ako, aalis na talaga ako sa bansang to" si Mayeth. "Canada, hintayin mo 'ko" Tinaas pa ni Mayeth ang kamay.
"Japan ako, gusto kong mag Japan. Welder si kuya sa Japan at kumikita ng 100 thousand sa isang buwan, wala pang kalahati ng sweldo ng nurse dito sa Pinas" si Tan. " At pag nakapag Japan ako at naka ipon saka ako pupunta sa Australia at susundan ko si Mama don at duon na ako mag nurse"
"Ako, mag med school ako. Try ko lang at pag hindi pinalad edi go. Mag aapply ako sa ibang bansa. Gusto ko sa US para american size" Napangiwi ako sa sinabi ni Anj.
"Ikaw Joseff?" Nabaling ang tingin ko kay Joseff na tahimik.
"Kinukuha ako ni Kuya sa London. Nag aapply na ako ng visa" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Joseff.
"OMG? Talaga?" Tanong ko kay Joseff na tinanguan ako. Napayakap ako sakanya sa sobrang saya.
"Matutupad mo na yung pangarap mo! Hindi ba pangarap mong mag trabaho sa ibang bansa?" Sobrang saya ko para kay Joseff.
"Yeah" He smiled at me. May kung ano sa ngiti niya na parang isang malungkot na ngiti.
"Ikaw, Isha? Anong pangarap mo bukod sa magpabuntis sa asawa mo?" Tanong ni Anj. Ngumiwi ako sakanya.
"Ayoko pa mabuntis, wala pa sa plano namin 'yon" Depensa ko agad. "Pagnakapasa ko edi ako muna ang tatayong personal nurse ni Lola pero hindi pa naman siya mahina e kaya siguro balak kong mag med school" I smiled at them.
YOU ARE READING
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, Letizia is struggling with personal issues stemming from her...