2

105K 1.6K 277
                                    

"Hi po, I'm Sky Galvez," The little boy approached me, tapos na ang dinner at nag uusap na ang matatanda. Nandito ako sa pool area, kasama ko kanina si Denise pero umalis siya.

"Hello, handsome," Umupo ako para magpantay kami. I pinched his cheeks which made him giggle. Ang cute!

"I have two crush po, yung isa masungit po at ikaw po yung pang two, can I ask po if you like me, you look nice po" Hinawakan pa ni Sky ang mukha ko.

"I'm getting married, Sky" Sabi ko sa bata. "Ikakasal ako sa Tito mo na suplado, mabait ba yon Sky?" Tanong ko sa inosenteng bata.

"Sino po? Si Tito Trevor?" He asked. Tumango ako. "Mabait po because he gave a lot of shoes pero mas kind po ako"

"Hindi ba siya nanakit? Hindi ba siya nag mumura? Sumisigaw ba siya?" Sunod sunod na tanong ko sa bata. 

Kailangan ko kasing malaman ang tungkol sa Trevor na to dahil ilang buwan lang ay papakasalan ko na siya. Gusto kasi nila Mom na agad kaming maikasal. Nakakainis nga e!

"Tito Red doesn't speak that much po, he's always quiet po ih" Sky smiled. 

"Wee? Baka naman nanakit yung Tito Trev mo-"

"Here" Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang malamig na boses sa likuran ko.

"Tito Red! We're talking about you-" Agad kong tinakpan ang bibig ni Sky. Humarap ako kay Red at kinakabahang ngumiti sakanya. May inabot siya saaking maliit na black box.

"What's this?" I asked him. Tumayo ako dahil kinuha na si Sky ng yaya niya.

"Use your hand to open the box and use your eyes to see what's inside" 

Napangiwi ako sa sinabi ng lalaking to. Inis kong binuksan ang box at nakita ko ang gold na singsing.

"Sasabihin mo lang namang singsing, hindi mo pa ko sinagot ng maayos" Inirapan ko siya. "So anong gagawin ko dito?"

"Sell it, I don't care" Walang gana nitong sagot. Napanguso ako. Saint ang pangalan pero ugaling dimonyo. Saint kaya ang itawag ko sa lalaking ito ng bumait naman siya kahit papaano.

"Engagement ring natin to, bakit mo pinapabenta saakin?" Humarap ako sakanya at inabot ko ang singsing. Tinaasan niya ko ng kilay. "Luhod ka tapos suot mo sakin"

Naningkit ang mga mata ni Saint.

"What?"

"Luhod ka tapos isuot mo sa'kin" Ulit ko. Para naman romantic ang first enagament ko. Kahit arrange lang ito ay I wanted to make it special. 

"You're insane" Umiling siya at umalis sa tabi ko.

"Alam mo, kung may choice lang ako hindi kita papakasan!" Inis na sabi ko at tumalikod na. I'm trying to be nice to him pero siya itong masama ang ugali. 

Gosh! I have to deal with him for the rest of my life!

Umuwi na ako sa bahay namin ngayon. Wala akong gana at parang pagod na pagod ang katawan ko sa sobrang daming nangyari sa maghapong ito.

"Sunday tomorrow, Zia. Ihanda mo na ang gamit mo sa apartment mo at lilipat kana sa condo ni Trevor," Si Mom. Walang gana akong tumango kahit pagod na pagod ako. "Be nice to him, Zia. Kailangan natin sila so be nice to him, ilang buwan nalang naman at ikakasal na kayo."

Hindi na ako sumagot at pumunta nalang sa room ko. Gustong gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang. Lahat ng negatibo sa isip ko ang inaalis ko and I just want to be positive pero ang hirap, puta!

"Kaya mo to, Letizia! Kaya ko to!" I looked at the mirror and smiled. "Remember your family, Denise, and your Mom, they need you... they need you" 

Kinabukasan ay maaga akong nagpahatid sa driver para pumunta ng apartment ko. Pagbaba ko sa sasakyan ay nagulat ako nang makita ang sportscar na nakaparada sa harap ng apartment ko. Nakasandal doon ang isang lalaking naka all black, nakapamulsa at madilim ang titig sa akin.

Saved from the Dark (Galvez series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon