Warning: Rated SPG
r-18
"Siguro mga iilang damit ko nalang yung kukunin ko kasi baka hindi na rin kasya saakin yung iba, i-donate ko nalang yung mga malilit na sakin para konti nalang yung dadalin ko sa bahay" Sabi ko kay Saint. Papunta kasi kami sa dati naming condo para kunin yung mga gamit ko don. Iniwan muna namin si Velle kila Ate Sunshine dahil nandoon rin naman si Asia. Nag pe-prepare na kasi sa kasal sa Mansion e.
Nakarating kami sa condo. Hawak ni Saint ang kamay ko habang papasok kami sa loob. Kumakabog ang dibdib ko habang naalala ang pinagsamahan namin ni Saint dito. Dalawang taon rin akong tumira dito kaya sobrang memorable saakin ng place na 'to.
"Parang kailan lang" Napangiti ako nang makapasok kami sa loob. I looked at Saint who was smiling at me too.
"I really miss us" Saint hugged me from behind. "Parang kahapon lang ang lahat" He whispered in my ear.
Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng condo. Yung living room kung saan ko hinihintay si Saint na umuwi. Yung kitchen kung saan ako nagluluto. Yung dining kung saan kami sabay na kumakain. Yung balcony. Yung mga rooms dito...
"Sana pala sinama natin si Velle para makita niya kung saan siya ginawa" Pagbibiro ko. I heard him chuckled. "Naalala mo ba yung lamesa na 'yon" Turo ko sa lamesa.
"How can I forget that? That used to be our happy area. Diyan din nabuo si Velle right?" He asked in my ear. I nodded and smiled at him.
We went inside our room. Sobrang ayos at ganoon na ganon pa rin ang ayos. Sa pagkakatanda ko ay ganito pa rin ang design niya noong huli ko itong iwan. Mukhang walang nabago. Nalinis lang talaga.
"I didn't change anything, because I want to remember you in every corner of this room. Your face, your smell, your body..." Saint said again.
Pumunta na ako sa closet at nag start na akong kuhanin ang mga damit na pwede ko pang masuot. Hanggang sa pag hila ko ng damit ko ay may papel na nahulog mula roon. Tinignan ko kung ano 'yon and I saw that this is Joseff's letter na binigay niya saakin non.
Tinignan ko si Saint at natigilan rin siya nang makita ang hawak ko. I looked at the letter again at napatakip ako ng bibig habang binabasa ang letter ni Joseff...
'We were freshmen when I started liking you. I like you the first time I laid my eyes on you but you're too perfect for me at paulit ulit mo rin na pinaparamdam saakin na hanggang kaibigan lang ako'
'Hindi mo kasalanan na gusto kita, sadyang napakaganda mo talaga. Matalino, maganda, mayaman, napaka-bait, lahat nasayo na. Lahat ng gusto ko sa isang babae, nasayo pero wala e alam kong walang wala ako kaya hindi na ako nagpatuloy kasi alam kong hindi mo rin naman ako magugustuhan at ayokong masira ang pagkakaibigan natin.'
'Aalis ako hindi para tuparin ang pangarap ko kundi para makalimutan ka. Dalawang taon ka ng kasal pero ako, hanggang ngayon umaasa pa rin sayo. Alam kong wala na talagang pag-asa kasi mahal na mahal mo siya. Kitang kita ko 'yon sa mga mata mo. Yung saya na si Trevor lang ang nakapagbibigay sa'yo.'
'Naiigit ako kay Trevor. Naiingit ako sakanya kasi mahal mo siya pero okay lang dahil kahit hindi mo ako mahal, nakasama naman kita ng mahabang panahon. Nandito ako lagi sa tabi mo, pinoprotektahan ka. Lagi kang magiingat, Prinsesa ko. Saka nalang ako magpapakita kapag nakalimutan na kita, salamat sa apat na taon na pagka-kaibigan. Mahal na mahal kita'
-Joseff
May mga luhang umaagos sa pisngi ko nang matapos kong basahin ang sulat. Wala akong alam. Siguro nga ay manhid ako. Siguro nga ay wala akong pakiramdam at hindi ko alam ang lahat ng to. Apat na taon kaming magkaibigan ni Joseff. Ngayon ko lang 'to nalaman.
YOU ARE READING
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, Letizia is struggling with personal issues stemming from her...