"Mommy..." Napaupo ako sa sahig nang malakas akong sinampal ni Mommy. Hindi ko alam ang nangyari, pag kauwi ko ay ito ang bungad niya saakin. Galit na galit siya.
"Ano ba, Madam!" Pumagitna saamin si Yaya Ester.
"'Yang batang 'yan, napakalandi! Ikakasal na't lahat lahat nagpapaligaw pa! Hindi ka na nahiya sa mga Galvez! Tayo nalang ang nanghihingi ng tulong sakanila, ganyan kapa! You fucking bitch!" Hinila ni Mommy ang buhok ko at sinampal uli ako.
Halos mamanhid ang pisngi ko sa malalakas na sampal na natatamo ko. Hindi ako lumaban dahil wala naman akong laban. Kahit nga pag-iyak ay hindi ko nagawa, sinasalo ko lang lahat ng sakit.
"Tama na yan, Madam!" Pumunta ako sa likod ni Yaya.
"Kapag ikaw, iniwan ng Galvez na yan at hindi natuloy ang kasal niyo, papatayin kita" Inilihis ni Mommy si Yaya at hiniklat ang buhok ko. "Naiintindihan mo? Papatayin kita! Oras na hindi matuloy ang kasal niyo ni Trevor ay sisiguraduhin kong madadamay ang mahal na mahal mong lolo at lola"
"Madam, tama na" Hinila ni Yaya Ester si Mommy at nabiwan ako. Napayuko ako at kitang kita ko ang pagtulo ng dugo mula sa labi ko. Shit!
"M-Masakit ba anak?" Tanong ni Yaya Esther habang ginagamot ang labi ko na dumugo sa sampal ni Mommy. Umiling ako at ngumiti kay Yaya.
"Okay lang po ako, Yaya. Uuwi na din po ako dahil may class pa po ako bukas" Hinawakan ko ang kamay ni Yaya at niyakap siya. "Thank you, Yaya"
Umuwi na ako sa condo at nag grab nalang ako. Kahit sobrang hapdi ng pisngi ko ay kinaya ko naman. Strong kaya ako? Never niyo akong makikitang umiyak noh? Hindi naman kasi unang beses nangyari to, Mom always disciplined me when I was young and up until now, hindi na rin bago sa pandinig ko ang papatayin niya ko pag galit na galit siya.
Humarap ako agad sa salamin pagkauwi ko. Halatang halata ang sugat ko sa labi. Nakakainis naman, minus 10 percent sa beauty.
Pagkagising ko ay may narinig akong tao sa labas. Nag hilamos muna ako at nag mouth wash saka ako lumabas para silipin kung sino yon. I saw saint at the living room. Nanunuod ng tv. Lumabas ako at pumunta sa kitchen. Naramdaman ko ang pag titig niya saakin.
"Good morning" I smiled at him. Kumunot ang noo niya habang nakatitig saakin. "May kailangan ka ba?" I asked. Matagal siyang tumitig saka umiwas ng tingin saka umiling.
"Wala kang pasok?" Tanong ko habang nag aayos ako ng lulutuin ko for breakfast. Dinoble ko ang lulutuin ko dahil nandito siya.
Ako kasi ay walang pasok dahil vacant ko ngayon.
"What happened to y-your lips?" Nagulat ako ng itanong niya yon. Tumingin ako sakanya na sa tv nakatingin.
"Ha?" Kinakabahan akong ngumiti. "Eto? Wala to, nasubsob ako kagabi sa headboard" Pagpapalusot ko. Nag start akong mag airfry ng bacon at nag fried rice naman ako.
"Are you dumb? Stupid? A grade one student who doesn't know how to act properly, Lavender? For your information, I am not as dumb as you para maniwala ako sa palusot mo" Tinignan niya ako ng seryoso.
Napanguso ako sa masakit na salita niya.
"Wala nga, kung ayaw mong maniwala edi... don't" Inirapan ko siya at kinuha ko na ang bacon sa air fryer tapos kinuha ko ang sinangag. Sinunod ko naman ang left over ko kahapon na Menudo.
Napaisip ako sa sinabi ni Mommy saakin... Pag hindi natuloy ang kasal ko sa Galvez na ito ay papatayin niya ko. She will also kill my Lolo and Lola. Shocks! Paano nalang kung biglang umatras ang lalaking to? Patay talaga!
Kaya kailangan kong maging mabait sakanya at ayusin ko ang pakikitungo kay Saint para hindi niya ko iwan. Natatakot ako. Ayoko pang mamatay, madami pa akong pangarap.
YOU ARE READING
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, Letizia is struggling with personal issues stemming from her...