12

96.4K 1.5K 450
                                    

"Tangina! Ngayon bet ko na ang asawa mo para sayo!" Sigaw ni Anj. Nandito kami sa isang karenderya at kumakain ng lunch namin. Last day na nang pasok nila today pero ako ay may naiwan pang isang activity.

"True! Shuta! Para siyang mga napapanood ko sa k-drama" sabi pa ni Mayeth. Manghang mangha sila sa ginawa ni Saint. Shinot-down lang naman kasi ni Saint ang mga basher ko by tweeting. Yuon lang ang ginawa niya pero dahil don ay tumigil ang pangba-bash sakin. 

Tinupad nga ni Saint ang sinabi niya sa'kin na hanggat nasakanya ako ay hindi niya hahayaang may manakit sakin. Yung salitang yon ni Saint ang naging dahilan kung bakit tumigil ang mundo ko ng five minutes. 

I can't deny the fact that I like him... may feelings ako kay Saint. Hindi ko alam kung malalim na ba or what pero sure ako sa nararamdaman ko. Hindi nalang to basta paghanga... I like him more than that.

"Kung ako yan, luluhuran ko yan!" Si Anj na tinatapik pa ang braso ko. Natatawa lang naman si Tan at si Joseff na naka busangot again.

"Ako hindi lang luhod, sasambahin ko 'yan" Dagdag pa ni Mayeth.

"Tangina ng mga 'to!" Natatawang sabi ni Tan.

"Ano? Wala pa bang luhuran na nangyayari?" Tanong ni Anj. Tumingin ako sakanila at kumunot ang noo ko.

"Ako ba?" I asked, confused.

"Hindi, si Osep, asawa niya si Trev e" Sarkastikong sabi ni Anj at sinamaan ako ng tingin "Malamang ikaw! Sino ba saatin dito ang may asawa?"

"Linawin niyo kasi" Ngumuso ako sakanila.

"So ano nga? Nag sex na ba kayo?" Diretsong tanong ni Mayeth.

"Negative" Umiling ako sakanila.

"Ano ginagawa niyo pag magkasama sa iisang bubong? Titigan lang?" Tanong ni Anj. "Kung si Mayeth 'yan, tatlo na anak niyan agad"

"Truelaley! Bakit ko naman kasi sasayangin ang isang Galvez? Galvez na yan e! Anak yan ni Rage Galvez! Aangal pa ba ko?" Nag apir pa si Mayeth at Anj.

"Talandi ka!" Natatawang sabi ni Anj.

Umalis na rin ang dalawang boys dahil mag bola pa raw sila so naiwan ako kasama sila Anj. Ngayon ako nagkaroon ng oppurtunity para sabihin 'to kay Anj dahil si Mayeth nalang naman ang nandito.

"Anj" Tawag ko sa kaibigan.

"O, bakit?" Kumunot pa ang noo niya.

"Pengeng sperm" Ngumiti ako sakanya. Agad akong binatukan ni Anj at sinamaan ng tingin. Si Mayeth na tawa lang nang tawa saamin. Ngumuso ako kay Anj at hinawakan ang batok ko.

"Tangina mo! Para kang tangang hayop ka!" Inis na sabi ni Anj. 

"E sige na" Ngumuso ako at inalog alog ang braso niya.

"Payag daw siya pero pwede raw ba si Trev 'yung iniisip niya habang nag hahalo?" Sinamaan ko ng tingin si Mayeth. Si Anj na tumawa pa.

"'Wag na lang" Umirap ako sakanila.

"May asawa ka naman kasing bruha ka ako pa ang hihingan mo! Hindi mo alam kung gaano kahirap mag ganon kapag walang lalaki sa harap ko!" Natatawang sabi ni Anj. "Dadali 'yon kung ipapahiram mo sa 'kin ang asawa mo"

"No way" Napangiwi ako sakanila. "Akin si Saint, no?"

"O edi ikaw ang magpalabas ng sperm niya tutal sayo naman pala siya" Sabi ni Mayeth at tumawa pa sila ng malakas. Napanguso ako sa mga babaeng to.

Ayoko naman kasing manghingi kay Seff or kay Tan dahil tatawanan at aasarin lang ako ng mga 'yon. 

Umuwi na ako sa bahay at naisipan kong magluto ng dinner namin ni Saint. Wala pa siya, ang sabi niya kasi ay nag OJT na siya so bali lagi siyang gagabihin. After ng OJT niya ay graduate na siya nang college, sana all nalang 'di ba? Ako ay mag isang taon pa. Gusto ko na ngang maging nurse e pero pinag-iisipan ko kung mag med school ako. Masaya siguro ang maging doctor. Wala, naisip ko lang.

Saved from the Dark (Galvez series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon