"Wala, buo na naman yung araw mo, nakita mo na naman ako" Sumulpot si Cairo sa tabi ko. Nandito ako sa harap ng school at papasok na ako ngayon. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng lalaking 'yan dito.
Ngumiti ako. "Naks, agang banat, ah," Parang hindi nauubusan ang lalaking 'to. Ang energetic niya sa tuwing makikita ko siya.
"Dito na 'ko magpapakilala since 'di mo naman nirereplyan 'yong mga chat ko sa'yo dahil famous ka. Sino ba naman kasi ako para replyan mo 'di ba?"
Napangisi ako sa sinabi ng lalaki.
"O sige na, pakidalian na po at papasok pa ako," I said.
"Khalil Cairo S. Alvarez" Ngumiti siya at naglahad ng kamay. "Cairo nalang" Nawala ang ngiti ko nang mapagtanto kung sino siya.
"S. Alvarez?" Gulat na tanong ko, ngumiti siya at tumango.
Fuck! He is the youngest son of Doctor Chase Alvarez and Doctora Monica Salsedo-Alvarez... The owner of St. Luke's Medical Center. One of the largest and most prestigious hospitals in the Philippines.
"Bakit, na-inlove ka na ba sa'kin?" Mayabang na tanong niya. Umiling ako.
"Nag talk yung Mom mo sa amin noon kasama niya yung Dad mo alam mo ba, crush ko dati yung Daddy mo!" Kinikilig kong sabi. "Puwede ba hingan mo kong autograph?"
Kumuha ako ng papel at ballpen sa bag ko. Inabot ko sakanya ang papel at ngayon ay seryoso nalang ang mga titig niya saakin.
"Wag na si Daddy, mapapatay ka ni Mommy" Seryosong sabi ni Cairo. Kaya natawa ako. "Ako nalang ang crush mo, wala akong asawa"
Pero ako meron. Ngumisi ako kay Cairo at binalik ang ballpen ko sa bag.
"Hindi ko naman aagawin ang Daddy mo, crush ko lang naman dahil guwapo na matalino pa," Sagot ko. "Mataas ang respeto ko sa mga magulang mo dahil hinahanggan ko sila, inspiration ko nga ang Mommy mo e, ang galing galing niya."
Kinwento kasi ni Doctora Salsedo ang buhay niya noon at kung paano niya nakamit ang tagumpay. She became a doctor despite of everything that she went through. Sobrang hanga ako doon.
"Gwapo rin naman ako tsaka matalino, kahawig ko rin naman si Daddy, bakit hindi nalang ako?"
Bahagya akong natawa sa sinabi ni Cairo. Umiling ako sakanya at tinapik ang balikat niya.
"May class pa 'ko, mauuna na 'ko" I said.
"Liligawan kita, Letizia," Ngumiti siya saakin. "I will court you."
Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan iyon ng gulat. No! Hindi pwede.
"What?" Kumunot ang noo ko.
"As far as I know, lagi mong sinasabi sa interview mo na wala kang boyfriend so..." He smirked. "See you later, I'll pick you up" Kumindat pa siya bago umalis.
Napapikit ako at napabuntong hininga.
"Ikakasal na ako, Cairo," bulong ko.
Kaya nga lahat ng nag slide na lalaki sa dm ko ay hindi ko na pinapansin dahil hindi na ako pwede, kung dati ay nagpapaligaw pa ako ngayon ay hindi na. Yung ka chat ko nga last year ay nag paalam na ako.
"Here comes the bride!" Bungad ulit ni Anj. Hindi ko na 'yon pinansin at nag focus nalang ako sa pag review ko. Walang dumating na prof ngayon dahil busy kaya naman ay nag kwentuhan nalang ang mga classmate ko at ako ay nag review nalang. May duty pa ako mamaya kaya kailangan kong mag-aral.
"Isha, sino mas guwapo? Ako o yung asawa mo?" Tanong ni Joseff na katabi ko.
"Wala," sagot ko at sa laptop nakatingin.
YOU ARE READING
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, Letizia is struggling with personal issues stemming from her...