"Isha anak, may naghahanap po sa'yo sa labas" Tawag saakin ni Nanay Mari habang nakahiga ako sa kama. Simula nang magising ako ay hindi na muna ako bumangon. Hindi ko alam bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Siguro ay dahil sa pag-iyak ko kagabi.
"Sino daw po?" Tanong ko.
"Ikaw nalang ang lumabas para malaman mo kung sino. Hindi ko gaanong naintindihan ang sinasabi e" Tumango ako kay Nanay. Paglabas ko sa room ay naabutan ko si Velle na nanunuod nanaman ng Barbie series niya. She smiled when she saw me.
"Hi, Mommy!"
"Hello, Baby" Bati ko pabalik. Pumunta na ako sa labas para tignan kung sino yung nandito. Kumunot ang noo ko nang makita ang dalawang lalaki na naka-polo na parang body guard. Hindi ko alam kung saan ko ba nakita ang ganitong body guard.
"Bakit po?" I asked them.
"Pinapabigay po ni Sir Trevor" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng Bodyguard. Lumingon ako kay Velle na pati siya ay napalingon sa gawi ko. Ibinalik ko ang tingin sa paper bag na inabot ng guard.
Pumasok na ako sa loob bitbit ang paper bag. Nanakunot ang noo ni Velle habang nakatingin saakin.
"What's that Mommy?" Velle asked saka lumapit saakin. Pinatong ko sa dining table ang paper bag. Inilabas ko ang box na nasa loob noon at nakita ko yung strawberry cake na tinake-out namin kagabi. Lumingon ako kay Velle na parang nagliwanag ang mata nang makita ang hawak ko.
"Cake?" Itinaas ko ang container. I smiled at her.
"Who gave that to you, Mommy?" Bumalik sa pagkakakunot ang noo ni Velle. I smiled at her again.
"It's not for me, it's for you, My baby"
"Who gave that to me, Mommy" Tanong niya ulit.
"Guess who?" Nanatili akong nakangiti sakanya.
Nagseryoso ang mukha ni Velle at saka siya umalis. She went back to the sofa.
"Grabe naman ang Daddy ni Velle, pinadalhan pa siya ng strawberry cake. Paano kaya nalaman ng daddy niya na favorite ni Velle ang strawberry cake?" I pouted pasimple akong lumilingon kay Velle and I saw her looking at me.
"Wow, parang ang sarap naman ng cake na 'yan, Letizia" Dagdag pa ni Nanay na tinutukso rin si Velle.
"Opo, Nay. Masarap talaga 'to kasi strawberry cake to, Nay, e. Favorite 'to ni Velle." Lumingon ako kay Velle na nakanguso at nasa TV ang tingin.
"Nay, tara kainin na natin. Ubusin natin kasi mukhang masarap e" Nagpatuloy ako sa panunukso. Inalis ko sa box ang tatlong slice ng cake. Tingin palang ay mukang masarap na talaga. Tignan ko lang kung hindi matakam ang bata na 'to.
"Wow, ang sarap naman, Isha. 'Wag nating bigyan si Velle. Ayaw naman ata niya e" Tumatawang sabi ni Nanay.
"Mommy..." Velle called me. Nakatayo siya at masamang nakatingin saamin ni Nanay.
"Ayaw mo ba? O kakainin namin 'to?" I asked Velle smiling.
At ang ending. Kinain rin ni Velle ang strawberry. She almost ate the three slices. Ang natira niya ay binigay ko kay Nanay. Hindi naman kasi ako mahilig sa strawberry tanging si Velle lang ang adik sa strawberry.
"Is it good?" I asked her. Kahit hindi ko na itanong ay alam ko na ang sagot. Nagustuhan niya.
"Yes, Mommy" Sagot niya pagkatapos uminom ng isang basong tubig.
"What will you say to Daddy?" Tanong ko pa uli.
"He's not here, Mommy" Sagot niya saka bumalik sa sofa. Sumunod ako kay Velle na nanunuod ng Barbie.
YOU ARE READING
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, Letizia is struggling with personal issues stemming from her...