32

95K 1.3K 200
                                    

"Da... da... dada"

Nanlaki ang mata ko at nagkatinginan kami ni Mama Lorena nang magsalita si Velle. It's her first word. Ibinaba ko ang mga bulaklak na hawak ko at pinuntahan ko si Velle. Binuhat ko ang anak ko sa sobrang tuwa. I cried while kissing my daughter.

"Ella ya dijo su primera palabra (She already said her first word)" Maiyak-iyak na sabi ni Mama Lorena. Kinuha ni Mama Lorena ang cellphone niya at ivinideo si Velle. "Dilo otra vez, my darling?"

"Ma, Velle doesn't understand Spanish pa" Saway ko kay Mama.

"Kahit ano naman ay hindi niyan naiintindihan" Tumawa si Mama. "Velle, my darling can you say your first word again?" Tinutok ni Mama ang camera kay Velle. 

"Da... da... da... da... dada" Napangiti ako at hinalikan sa pisngi si Velle.

"Daddy? You want your Daddy, my darling?" Kinuha ni Mama Lorena si Velle saakin. Napanguso ako at nagbabadya nanaman ang luha. Wala na atang araw na hindi ako umiyak kapag naiisip ko siya. Miss na miss ko na siya. Sobra sobra.

We celebrated Velle's 1st birthday, simple lang siya. Wala namang ibang bisita dahil iilan lang ang katabing bahay namin. Buhat ni Congressman si Velle at si Mama naman nag aayos ng bulaklak sa buong bahay. Ako ang nag aayos ng lamesa para sa handa.

"My Darling... My darling" Pagkanta ni Mama habang isinasayaw si Velle na nakanguso. Velle is now one and half year old. 

Habang lumalaki ay nakikita ko na agad ang pagkakahawig namin. We have the same face, sabi rin ni Mama ay ako raw ang kamukha pero ang mata ay hindi. Velle has dark brown eyes and her hair too, she has dark brown hair na namana niya sa Daddy niya. Habang tinitignan ko ang mata ni Velle ay naaalala ko si Saint.

Up until now wala nang binabalita sa akin ni Mama tungkol sa mga Galvez. Lagi niyang sinasabi na 'wag na raw akong mag-aalala dahil ayos naman na raw ang lahat. Huli kong balita lang ay yung pinapahanap kami pero after that ay wala na. 

"Velle, say Mommy," Turo ko sa anak ko.

"Dada" Napanguso ako nang iba ang sabihin ng anak ko. 

"Mommy... Mo... mmy" Inunti unti ko pa.

"Dada... da... da... dada" Napangiwi ako nang pumalakpak pa si Velle. Huminga ako nang malalim at tumingin kay Mama Lorena na nagpipigil ng tawa sa akin. 

"Don't give up, Mija. Come on," Pangungumbinsi ni Mama. Noon ko pa tinuturuan si Velle na sabihin ang Mommy ang kaso ay Daddy ang nasasabi niya.

"Velle, Mommy" Turo ko sa sarili ko. "Say Mommy. Mo... mmy" Ulit ko.

"Daddy?" Napanguso uli ako nang iba nanaman ang sabihin ni Velle. I kissed her cheeks at pinagpatuloy ko nalang ang pagpapakain sakanya.

"Ella quiere a su Daddy (She wants her Daddy)" Tumawa si Mama Lorena.

Nang mag three years old si Velle ay buo na siyang magsalita. She can speak four languages. Her native language is Spanish because of Mama Lorena. Mama Lorena teaches Velle how to speak Spanish that's why. She can also speak French because we're in France, may mga kapit-bahay kasi kami na gustong gusto si Velle kaya natutunan na rin ni Velle ang salitang French. At ang Tagalog. I teach her how to speak Tagalog because she's Filipina. She can also understand and speak English pero hindi gaano. Fast learner si Velle. She's very smart at her age.

Natutunan ko na rin na mag trabaho dito sa Provence. Nahihiya na kasi ako kay Mama Lorena. Simula nang dumating ako dito sa France ay siya na ang lahat. Hindi porke mayaman siya ay iaasa na namin lahat sakanya e hindi naman niya kami kaano ano ng anak ko.

Saved from the Dark (Galvez series #4)Where stories live. Discover now