17

91.7K 1.2K 396
                                    

"Saint, bangon na" Tinapik tapik ko ang likod ni Saint para gisingin siya. Dito uli ako natulog sa kwarto ni Saint. Hindi ko alam kung bakit pero ang huli kong natatandaan ay nakatulog ako habang pauwi kami kagabi.

Saint groaned and pulled his blanket to cover his face. Napairap ako. Napaka-hirap niyang gisingin, paano nalang kaya kung wala ako dito? E'di lagi siyang late sa school niya? Huminga ako nang malalim at tumayo na. 

Mag luluto na muna ako saka ko nalang gigisingin si Saint para kumain na siya pero hindi ko naman sure kung dito pa rin siya kakain pero bahala na. Lalabas na sana ako nang makita ko ang mga sapatos na nakakalat ni Saint mapalapit sa closet niya. Pumunta ako doon at inayos isa-isa 'yon.

"Ang kalat naman" Napanguso ako habang inaayos isa-isa ang mga sapatos. Napatigil ako when I saw a familiar shoe na nakahiwalay sa mga lagayan niya ng sapatos. A gucci shoes, napanguso uli ako at pilit na inaalala ang kaparehas no'n.

Kinuha ko pa ang sapatos para tignan ng mabuti at doon ko napagtanto kung saan ko 'to unang nakita. 'Yung lalaking nagtawid sa'kin? Wait-no! Baka kaparehas lang? Posibleng kaparehas lang dahil mayaman itong si Saint, kayang kaya niyang bilin kahit anong gusto niya.  Umiling ako sa iniisip ko. Maraming may afford niyan hindi lang si Saint.

Pero dahil hindi ako mapakali ay bumalik ako sa kama at inalis ang kumot sa mukha ni Saint. Pinaningkitan ko siya ng mata. Inalis ko ang iilan niyang buhok sa mukha ay pinagmasdan ang napakaganda niyang side view. Matagal ko 'yung tinitigan hanggang sa napanganga ako sa gulat nang mapagumpara ko ang side view nang lalaking nag tawid sa'kin at kay Saint.

"He did not..." I whispered in shock. Bakit ngayon ko lang napansin? Saint has the same feature as the guy na nagtawid sa'kin hmm... Pero naghihinala pa rin ako, e. Kung tatanungin ko naman kay Saint ay hindi naman aamin sa'kin 'to, knowing this guy? 

Hayaan ko na nga. Lumabas na ako ng kwarto niya at nagluto nalang. Ano naman kung siya ang nagtawid saakin non pero kung si Saint nga 'yon ay posibleng nakilala na ako ni Saint noon pa lang or nakita na niya ako? Ako kasi ay noong dinner ko lang siya nakita. Hindi ko alam kung nakita ko na siya before dahil hindi naman siya pamilyar pero sure akong hindi ko pa nakikilala si Saint dati.

"I don't wanna look at anything else now that I saw you. I don't wanna think of anything else now that I thought of you. I've been sleeping so long in a 20-year dark night and now I see daylight, I only see daylight..." Kumakanta ako habang nag luluto ng pancake. "I only see daylight, daylight, daylight, daylight... I only see daylight, daylight, daylight, daylight" 

Habang hinahanda ko naman ang coffee ni Saint at ang milk ko ay biglang bumukas ang pintuan ni Saint. I looked at him na nakapikit pa ang isang mata at gulo-gulo ang buhok. Mukha siyang wala sa sarili at parang antok na antok pa pero sobrang gwapo pa rin, kung ibang lalaki 'to ay baka mukhang adik na pero kapag si Saint ay para siyang model na kakagising.

I smiled at Saint at inangat ko ang plato ng pancake at nilagay iyon sa table. "Good morning, asawa ko" I greeted. Kitang kita ko ang pag ngiti ni Saint habang papalapit sakin.

"Good morning, Lavender" Saint kissed my lips. 

"Buti naman gising ka na" I said pagkatapos niya akong halikan. Bahagya akong yumuko dahil hindi ko maiwasang mamula dahil sa kilig. Humarap na uli ako sa tinitimpla kong kape.

"Your beautiful voice woke me up" He hugged me from the back. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang matinding kilig. 

Napakaaga naman bumanat ni Saint, kakasikat lang ng araw pero nagkaka-sunburn na agad yung pisngi ko.

"Let's eat na, Saint" Ngumiti ako at pumunta na kami sa dining. Nilapag ko sa harap niya iyong kape niya at gatas naman saakin.

"Maaga akong uuwi ngayon, let's date" Casual na sabi ni Saint na nakapag-pabilis ng tibok ng puso ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan nanaman ang kilig habang naghihiwa ng pancake.

Saved from the Dark (Galvez series #4)Where stories live. Discover now