29

84K 1.2K 1K
                                    

Mahal kong Isha

Apo, patawarin mo si Lolo kasi hindi na talaga kaya ni Lolo. Gabi gabi kong napapanaginipan ang Lola mo. Araw araw akong nangungulila. Araw araw akong dinudurog kapag iniisip kong wala na ang Lola mo. Hindi ko kaya, Apo. Hindi ko kaya na gumising ng wala ang Lola mo. Hindi ko kayang harapin ang bukas ng wala siya.

Ayoko kitang iwan dahil alam ko kung gaano rin kasakit sa 'yo ang nangyari sa Lola mo pero hindi ko na talaga kaya apo. Sa huling gabing napanaginipan ko ang Lola mo, tinatawag na niya ako. Sasama na ako apo. Gustong gusto ko ng sumama.

Isha, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin apo. May malaki kaming kasalanan sa 'yo na sana kapag nalaman mo mapatawad mo pa rin kami. Sobra ka naming mahal Isha at ang sakit sakit para sakin na iwan ka.

Pakisabi sa asawa mo alagaan ka niya, ha? Alagaan niyo ang isa't isa at lagi niyong tatandaan na lagi kayong magmahalan, na kahit anong mangyari sainyong dalawa 'wag na 'wag niyong kakalimutan ang isa't isa.

Isha, Apo ko. Aalis na si Lolo, mahal na mahal kita, Apo. Sana mapatawad mo ako.

Walang emosyon at patuloy lang tumutulo ang luha habang nakatulala at nakatingin sa walang buhay na si Lolo habang nakahiga sa kabaong. Hindi ko na magawang makapagsalita sa dami ng pinagdadaanan ko. Hindi ko na magawang kumilos, hindi ko na kayang bumangon.

"I'll be back tomorrow, may aasikasuhin lang ako" Paalam saakin ni Saint at tanging tango lang ang naisagot ko. Wala na akong nararamdaman, namamanhid na ang katawan ko sa sakit.

Saint kissed me saka siya umalis. I wiped my tears while looking at my Lolo. Napakayapa. Napaka tahimik. Napaka kalmado. Ano kayang pakiramdam na wala ka ng iniisip? Ano kayang pakiramdam na wala ka ng prolema, na wala ka ng iniintindi.

"Lo..." I whispered. "Lo, masaya ba kayo diyan? Kasama niyo na ba si Lola?" Kasi kung masaya kana diyan siguro dapat maging masaya nalang din ako para sainyo kahit ang sakit sakit. Ang sakit sakit tanggapin na wala na kayo ni Lola pero iniisip ko na mas mabuti ka 'yo diyan. Kaysa nandito kayo na puro pasakit lng ang nararamdaman niyo.

"Lo, isang araw nalang e, isang araw nalang maalagaan ko na ka 'yo" I cried so much. "Isang araw nalang... ang sakit sakit talaga"

Naramdaman ko na may yumakap sa likod ko. Isang pamilyar na mabangong amoy iyon. Lumingon ako at nakita ko ang namumugtong mata ni Mrs. Lorena. Agad ko siyang niyakap sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Va a estar bien, mija" Rinig kong bulong ni Mrs. Lorena at humihikbi rin siya.

"Bakit... bakit ang sakit sakit. Bakit sobrang sakit? Ang sakit sakit po, sobrang sakit po" I cried on her chest. I don't know but I feel safe.

"I'm sorry... Lo lamento, mija... Lo lamento"

Nagising ako na nandito na ako sa kwarto. Masakit ang ulo ko at para akong walang lakas. Wala na talaga akong lakas dahil hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na kumain ako. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko na nasa bisig ako ni Mrs. Lorena natulog.

"Shit" Napamura ako at biglang nahiya. Lalo akong kinabahan nang magising si Mrs. Lorena. Ngumiti siya saakin ng imulat niya ang mata niya.

"You're awake, mija" Bungad niya at umupo sa tabi ko. "Okay ka na ba? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Pagaalala niya. Bahagya akong ngumiti at tumango.

"Maayos na po. Naabala ko ho ba kayo? Kung gusto niyo po matulog muna kayo at ako--"

"No, I'm fine" Ngumiti uli siya sakin. Matagal akong pinagmasdan ni Mrs. Lorena. Nakangiti siya sakin habang tinitignan ako saka biglang hinawakan ang pisngi ko.

Saved from the Dark (Galvez series #4)Where stories live. Discover now