9

77.1K 1.2K 383
                                    

"First kiss: June 2 hinalikan ako ni Saint sa restaurant ni Tita sa may Taft malapit sa la salle," Sabi ko habang sinusulat sa maliit na notes ko. Ilang araw na ang nakalimas nang mangyari yon pero hindi ko makalimutan. Ilang araw din akong tahimik dahil don. Nung kasal naman kasi namin ay hindi kami nag kiss sa lips. 

Dahil din doon ay sa tuwing nakikita ko si Saint ay bumibilis ang tibok ng puso ko kaya medyo iniiwasan ko siya pero hindi pa rin naman kami nagbabago. Magluluto ako ng breakfast niya bago ako umalis pero pag-uwi ko ay madadatnan ko pa rin 'yon dahil hindi naman niya kinakain.



"Amy!" Nanlaki ang mata ko at napasigaw ako nang makita ko si Amy sa baba ng building ng condo namin. Tinignan niya ako at inayos ang salamin niya tsaka ngumiti nang makilala ako.

"Letizia" Lumapit siya sa 'kin. 

"Isha nalang pero bakit ka nandito? Hinahanap mo ba si Saint?" Tanong ko sakanya. Natawa siya at umiling.

"Napadaan lang ako," Sagot niya. "Ikaw? Papasok ka na?" Tanong niya. Tumango ako.

"Pero mamaya pa naman ang first subject ko, gusto mo samahan kita dito?" Tanong ko kay Amy. Nag-iisa kasi siya tsaka mamaya pa ang gising ni Saint.

"'Wag na, uuwi na rin naman ako, e," Tumango nalang ako sa sinabi ni Amy.

"Sure ka talaga? Samahan na kita? Mamaya pa ang class ko, e," Pagpupumilit ko. Gusto ko kasing maging friends ang mga friends ni Saint.

"Sige na nga, tara bili tayong pagkain doon, hindi pa ako kumakain, e," Sabi niya. Napapalakpak pa ako nang pumayag si Amy. Pumunta kami sa isang cafe at kumain doon. Kahit nag breakfast na ako ay kumain pa rin ako.

"Americano, no sugar and plain bread," Sabi ni Amy nang umorder siya. 

"Iced milk and pancake with chocolate syrup, thank you," sabi ko sa counter. Pumunta na kami ni Amy sa isang table. Wala pang tao dito dahil maaga pa.

"Thank you, ha. Hindi mo naman ako kailangan ilibre," sabi ni Amy sa 'kin. Ngumiti ako sakanya.

"Ano kaba, okay lang 'yun. No probs," Kinindatan ko si Amy. Nahihiyang ngumiti siya sa 'kin.

"Ang bait mo," Sabi niya sa 'kin. "Sana hindi ka saktan ni Trev," Natigilan ako sa sinabi ni Amy.

"Tingin mo ba sasaktan ako ni Trev?" Tanong ko kay Amy. Nagkibit balikat siya.

"Hindi siya marunong ngumiti at hindi siya magaling makisama. Masungit si Trev, masiyado siyang madilim para sa 'yong sobrang liwanag, Isha." Ngumiwi ako sa sinabi niya. Para naman niyang sinisiraan si Saint. "Alam mo, Isha, ang swerte ni Trev sa 'yo, ang ganda ganda mo," Ngumiti siya ngunit ang ngiting iyon ay isang masakit na ngiti. 

"Ang ganda mo din kaya, Amy" Hinawakan ko ang kamay niya. Bagamat maputla ang kulay ng balat niya ay hindi pa din maalis ang ganda nito. She looks very familiar at some point na parang nakita ko na siya before. 

"Thank you, Isha" She smiled and fixed her glasses. 

"Lagi mong tatandaan na napakaganda mo, Amy," Tinapik ko ang balikat niya at nginitian siya. "Pretty tayong lahat! Girl power!" Ngumuso ako sakanya at pumose pa ng nakataas ang kamay ko na parang nag darna. Nagtawanan kami ni Amy.

"Sobrang saya mo kausap tapos ang daldal mo pala, Isha" Sabi ni Amy at palabas na kami ng cafe. "Hindi ko alam kung paano nakakatiis sayo si Trev e ayaw non sa maingay at madaldal"

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Amy.

"Si Saint may way siya ng pagpapatahimik sakin-" Napahinto ako nang mapagtanto kung ano ang sinasabi ko. Umiling ako. Shit! Over sharing ka nanaman, Isha.

Saved from the Dark (Galvez series #4)Where stories live. Discover now