"Welcome to Dingalan, Aurora!" Sabi ni Cairo. "Alam mo ba kung bakit dito kita dinala?" Tanong ni Cairo sa 'kin. Umiling ako sakanya at pinilit akong ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ako sumama sakanya pero dahil sa kagustuhan kong makalayo sa problema ko ay naging desperada na ako.
"Dito unang nag meet si Daddy at Mommy" Lumawak ang ngiti ni Cairo. "Kwento lang naman sakin ni Daddy 'yon pero hindi ako sigurado dahil mahangin si Daddy minsan e" Pagbibiro pa ni Cairo.
"Really?" Bahagya akong ngumisi. Nilapag ko ang gamit ko sa sofa sa loob ng bahay na pinag stayan namin. Halos limang oras din ang byahe namin pero hindi ako nakaramdam ng pagod dahil tulog lang ako buong byahe.
"Are you really sure about this?" Umupo kami ni Cairo sa sofa. "How about your husband--"
"I don't want to talk about him, Cairo. Nandito ako hindi para alalahanin ang problema ko, nandito ako para kahit saglit makalimot." Tipid akong ngumiti sakanya. "You can leave me here, kaya ko na ng mag isa. Salamat sa pag dala saakin dito"
"I don't want to leave you, Letizia," Seryosong sabi ni Cairo.
"Sapat na ang abala na binigay ko sayo, pwede ka ng umuwi baka may trabaho ka o may ginagawa-"
"Hindi ako aalis, Letizia. Kahit ano pang ginagawa ko hindi kita iiwan" Cairo hugged me. "'Wag mo ng uulitin ang ginawa mo kanina, 'wag na 'wag, Letizia."
Hindi ko naman intensyon na magpakamatay, nadala lang ako. Nawala ako sa sarili ko at natangay ako ng lungkot. Bigla kong naisip na walang wala na talaga ako dahil nagawa ko na ang isang bagay na hindi ko naisip na magagawa ko.
"Matulog ka at mag pahinga. Lilibot tayo sa buong isla mamaya" Sabi ni Cairo habang pinapasok ang mga gamit ko sa isang kwarto. Bahagya akong ngumiti at tumango. Sinarado niya ang pinto at saka ako naupo sa edge ng kama.
Maganda itong bahay nila Cairo. Kahoy ang bahay nila pero alam kong matibay at napalinis rin at mukhang naalagaan kahit wala namang pumupunta. Tapat rin ito ng dagat at kaunti lang ang bahayan. Resort nila ito dito sa Dingalan, Nueva Ecija. Payapa dito at alam kong kahit papaano tatahimik ang kaluluwa ko rito.
Tanghali nang magising ako. Hindi rin kasi ako nakatulog kaagad kakaisip. Bumangon ako at nakita ko na may damit na sa gilid ko. Wala nga pala akong kadala dala na kahit ano. Ultimo cellphone ay wala ako mabuti na rin siguro para hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa labas.
Kinuha ko ang tuwalya at naligo na ako dahil nanlalagkit na ang katawan ko. Pagkatapos non ay nagbihis na ako. Napangiti ako nang makita ang dilaw na dress. Kinuha ko ito at isinuot. Tumingin ako sa salamin sa gilid at pinagmasdan ang sarili ko.
"Good afternoon, Princess" Bungad na bati ni Cairo nang lumabas ako sa kwarto. "Ganda ah" Ngumiti siya sakin pagkatapos akong pagmasdan mula ulo hanggang paa.
"Anong oras na?" Tanong ko at umupo sa dining chair.
"12:30 na, napasarap ata ang tulog mo" Natawa siya ng bahagya at umupo sa harap ko. Sinandukan ako ng pagkain ni Cairo. Nilagyan niya ako ng pagkain sa plato ko.
Habang kumakain ay nakikita ko ang pasimpleng pagsulyap sa akin ni Cairo. Hindi ko nalang pinapansin at binalewala ko nalang. Ayoko na bigyan ni Cairo ng meaning itong pagsama ko sakanya. Nabigla lang ako at naging desperada. Masiyado siyang mabait para masaktan.
"Mamayang hapon pupunta tayo sa dalampasigan, ngayon magpahinga ka muna" Si Cairo. "Masiyado pa rin namang mainit e" Tumango lang ako sakanya at hindi nagsalita.
Kamusta na kaya si Saint? Ang sabi niya kahapon ay tatawag siya pag nakarating na siya sa america. Nakarating na kaya siya? Tinatawagan na niya kaya ako? Ano kaya ang ginagawa nila ni Amy? Uuwi na kaya siya?
![](https://img.wattpad.com/cover/320113993-288-k954440.jpg)
BINABASA MO ANG
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, she struggles with personal issues stemming from her mother'...