"Isha, ang Lola mo... Wala na ang Lola mo"
Napaupo ako nang marinig ang tawag ni Daddy. Hindi nag sink in sakin lahat ng narinig ko. Sinampal ko ang sarili ko dahil alam kong panaginip lang to. Panaginip lang to! Buhay pa si Lola. Paanong mamatay si Lola e binati pa niya ako, last month. Binati ako ni Lola ng Merry Christmas.
"Buhay pa si Lola! Buhay pa si Lola!" Paulit ulit na sambit ko habang hinahanda ang damit ko pauwing Laguna.
"Calm down, Amore. Everything will be fine" Pagpapakalma saakin ni Saint.
"Nakakainis sila, Saint! Kung gusto nila akong pauwiin sana sinabi nalang nila na gusto nila akong pauwiin hindi yung ganito pa yung sasabihin nila! Nakakainis! Nagagalit ako!" Napaluhod ako at hindi ko napigilang umiyak. Agad naman akong nilapitan ni Saint at niyakap.
"Yes, Lola is fine, she's fine, Love" Saint kissed my forehead. "Let's go"
Ilang oras ang naging byahe namin ni Saint bago kami makarating kila Lola. Maraming sasakyan ang nandito. Napahinto ako nang makita ang tarp na nasa harap ng bahay. Umiling ako at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Nanginginig ang buong katawan ko nang makita na may nag set up sa labas at napakaraming bulaklak ang nasa harap ng bahay ni Lola.
"Lavender, calm down" Akmang hahawakan ni Saint ang kamay ko pero tumakbo ako sa loob ng bahay at natigilan nang makita ko na may coffin sa living room. Lahat sila ay napatingin nang pumasok ako. Nandito si Dad, si Mom, si Denise na umiiyak at si kuya Danielle. Si Tita na akmang lalapitan ako pero hinawi ko.
"Bakit may ganyan? Tita, alisin mo 'yan" Tinuro ko ang kabaong. "Asan si Lola? Pakisabi nandito na yung paborito niyang apo"
"I-Isha..." Si Tito Abet na namumula ang mata.
"Tito, bakit may mga bulaklak tsaka ano 'to? Bakit ganito dito?!" Hindi ko na napigilang sumigaw.
"Isha..."
"Napakadumi ng bahay! Magagalit si Lola" Pinulot ko ang mga tela sa sahig. "O Dad, bakit naman nakapasok yung sapatos niyo sa loob, alam mong ayaw ni Lola ng ganyan"
"Anak" Niyakap ako ni Daddy. "Anak, kaya natin to" Pilit akong kumakawala sa yakap ni Papa.
"Daddy, bakit ang daming tao? Ayaw ni Lola ng kung sino sinong tao ang pumapasok sa bahay" Humarap ako kay Mommy. "Mom, bakit ka nandito? Hindi ba't galit sa 'yo si Lola? Baka atakihin nanaman siya" Nag iwas lang ng tingin sa'kin si Mommy.
"Denise, alam mo bang gustong gusto kang maka-bonding ni Lola? Bakit ngayon ka lang nagpakita sakanya?" Patuloy ang pag iyak ni Denise.
"Tita, asan ba si Lolo at Lola?" Humarap ako kay Tita na umiiyak at yakap ni Tito.
"Isha, anak..." Tawag saakin ni Daddy.
"Tita Betty, asan si Lola?" Tanong ko uli pero tanging iyak lang ang sinagot nila saakin. Tumingin ako sa coffin na nakasara pa. I smiled.
Unti unti akong lumapit sa kabaong habang nanginginig ang buong katawan ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nanginginig ang kamay ko habang unti unting hinahaw ang kamay ko sa coffin. I bit my lips before I lifted the coffin lid.
Napapikit ako nang makita si Lola na nakahiga roon. Unti unting bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napakapit ako sa coffin nang biglang manghina ang tuhod ko. Biglang bumagal ang pagtibok ng puso ko at parang nawalan ako ng lakas.
"La..." Pumiyok ako at halos wala ng salitang mailabas ang bibig ko. Nanginginig ang kamay kong unti unting hinahawakan ang maamo at kalmadong mukha ni Lola.
"La, bakit?" Nanginginig ang boses ko. "Bakit naman ganito?"
"Lola, bakit ganito? Lola!" Napasigaw ako nang yakapin ko si Lola sa pagkakahiga niya. "Lola, bakit?!"
YOU ARE READING
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, she struggles with personal issues stemming from her mother'...