15

82.6K 1.3K 675
                                    

 "Okay ka lang, Isha?" Tanong sakin ni Tita nang mapansin na parang wala ako sa mood. Pinilit kong ngumiti at tumango kay Tita. I'm fine, I should be fine. Bakit naman ganito ang nararamdaman ko? Why do I feel like someone cheated on me? Breakfast lang naman 'yon, there's nothing special about that breakfast! They're bestfriend, it's normal...

...But I'm his wife- fuck! Hindi ko dapat iniisipan ng masama si Saint at si Amy, hindi ganon ang isang relasyon. Maybe nagutom si Saint kaya siya nag breakfast kasama si Amy. I understand him so wala akong dapat na i-worry... pero siguro I have all the right para mag tampo ng konti dahil hindi kinain ni Saint yung pinaghirapan kong iluto kahapon. Konting tampo lang naman. 

Habang nag serve ako ng pagkain sa isang table ay biglang dumating ang grupo ni Jax, kapansin pansin ang pagdating nila. Napakunot ang noo ko nang makita ang mayabang na ngiti niya. Sa Diliman sila ah, bakit dito pa sila dumayo para kumain?

"Ayan nanaman ang mga taga-UP" sabi ni Melissa, ang isang server dito. "Isha, pwede bang ikaw na ang bahala sa mga yan?" 

Ngumiti ako kay Melissa at pumunta kila Jackson. Hindi ba bakasyon na ng UP? Bakit magkakasama pa din ang mga to? Wala ba silang pamilya? Wait bakit ba ako nangingialam? Hindi ko naman buhay yan.

"Uy, Jax, kakain kayo?" Tanong ko na parang tanga. Malamang, Isha, kakain yang mga yan, anong gagawin niyan dito magdadasal? Hindi naman simbahan 'to! Shuta! Apaka lutang ko.

"Oo sana, sakto nandito ka pala" Ngumiti siya sakin. 

"Sige, dito kayo" Ipinunta ko sila sa bakanteng lamesa. "Ipapalinis ko lang ah, pero kunin ko muna order nyo" I smiled at them.

"Ganda mo talaga, Isha" Sabi ni Simon. Mga player sila lahat ng UP basketball team. Ngumiti ako.

"Ano nga ang order niyo?" Pag-uulit ko.

 "Yung dati lang kami, alam yon ni Tita B, pakisabi nalang nandito kami" sabi ni Jax at kinindatan pa ako. Tumango nalang ako sakanila at umalis na. 

"Tita sila Jackson po nandyan, yung usual daw po na order nila" sabi ko kay Tita na nag ngiting aso sakin.

"Nako, chinechempuhan ka talaga ng chinito na yan, nasaktuhan na nandito ka na, balak ka pa ngang ligawan sabi ko lang ay may asawa ka na pero parang wala namang pake kung may nobyo ka na o wala, Tita pa nga ang tawag saakin" Natawa pa si Tita at napailing.

"Maloko lang po talaga si Jackson pero wala po 'yang gusto sakin" Tipid akong ngumiti kay Tita.

"Naku, anong walang gusto sayo? Halos araw araw dito yan, matsempuhan ka lang. Nang malaman na mag aasawa ka na hindi na pumunta dito pero nitong mga nakaraang linggo ay araw araw yan dito, silang mga basketball player" Sabi ni Tita. Hindi nalang ako sumagot at kinuha nalang ang order nila Jax.

"Tawagin niyo lang ako pag may kailangan pa kayo" Nilapag ng ibang mga staff ni Tita ang order nila Jax.

"Kailangan kita, Isha" Natigilan ako nang sabihin yon ni Jackson.

"Ow shi!" 

"Smooth!" 

Nagtawanan at nag apir pa ang mga kasama niya. Huminga ako ng malalim at hindi yon pinansin. Wala ako sa mood para sa mga lokohan nila at wala akong gana para patulan ang banat nila na 'yon.

"Kung wala ka ng ibang kailangan, aalis na ako" 

Akmang tatalikod na ako nang hawakan ni Jackson ang kamay ko na agad ko namang binawi. 

"Ano ba, Jackson?" Hindi ko naiwasang mapasigaw. Napalingon ako sa gilid ko nang makita na nakatingin ang mga costumer saakin. Napapikit ako nang marealize kung anong ginawa ko. "S-Shit..." Mahinang bulong ko.

Saved from the Dark (Galvez series #4)Where stories live. Discover now