5

81.8K 1.2K 319
                                    

"Sino unang magtatanong? Ikaw o ako?" Tanong ko kay Saint. Nandito kami sa balcony at pumayag naman siya na mag usap kami pero sabi niya ay saglit lang daw dahil may gagawin pa siya.

Umupo si Saint sa kabilang upuan sa tabi ko at pinanuod ko siyang humigop ng kapeng tinimpla niya. Habang tumatagal nasasanay ako sa aura ng lalaking 'to and I find him really attractive. Dati ay hindi naman ganito ang mga tipo ko. He's too dark for me pero as time goes by, I kinda like his dark aura too.

"Ako na nga ang mauna" Kinuha ko ang ballpen at notebook ko para mag take note sa mga sasabihin niya. Makakalimutin kasi ako, e. "May girlfriend ka ba ngayon?"

'Yon kasi ang gusto kong malaman, kung may nasira nga ba akong relasyon dahil sa arrange marriage na ito.

"I don't have any girlfriend," Sagot niya.

"Walang girlfriend" Sabi ko at sinulat sa note book. Tumingin ulit ako sakanya. "Nagka-girlfriend kana?" I asked. Umiling siya. Tumango ako.

"Walang experience," I said at ni-note ko uli. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Ikaw, mag tanong ka naman sa'kin," Ngumiti ako sakanya. Inilapag niya ang coffee sa table at tinignan ako.

"What do you want me to know about you?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Kahit ano? Kahit ano'ng gusto mo" 

"Do you have a boyfriend?" Diretsong tanong niya. Umiling ako. 

"Pero nagka boyfriend na 'ko noong senior highschool, three months lang kami tapos naghiwalay kami bago mag college tapos after no'n wala na akong naging boyfriend kasi feeling ko lahat ng lalaki lolokohin lang ako. Nakaka-trauma kasi 'yung mga napapanood ko sa news na kahit gaano katagal ang relasyon o kahit gaano kaganda ang babae kapag manloloko ang lalaki ay wala rin," Sagot ko at mapait akong ngumiti sakanya. "Kaya feeling ko hindi ko kayang ma fall. Hindi ko kayang masaktan, hindi ko pa kayang mawasak."

"Really? But you entertain those men" Tinaasan niya ko ng kilay.

"Hanggang doon lang 'yon, makikipag chat or date lang pero hindi ko pa nakikita ang sarili ko na makipag relasyon. They can court me pero lagi ko naman sinasabi na hindi pa 'ko ready pero they insist na ligawan ako hanggang maging ready ako but end up na napapagod lang sila so titigil." 

"You're not yet ready, but you chose to marry me," He said without looking at me.

"As if naman may choice ako. Walang wala akong choice, Saint. Hindi ito ang future na nakikita ko para sa akin... Ang maikasal sa hindi ko naman kilala? Hindi ito ang gusto ko, hindi ito ang pangarap ko para sa sarili ko pero dahil kailangan, wala akong pamimilian kundi isugal ang buhay ko." Tinignan ko siya at bahagya akong ngumiti. 

Humarap ako sa madilim na kalangitan at bahagyang natawa.

"Sabi pa naman ni Queen Elsa you can't marry a man you just met. Shocks! Pano naman akong magpapaksal sa hindi ko kilala?" Natatawa kong sabi.

Nag tanong lang ulit ako sa mga gusto niyang pagkain. Ang nalaman ko lang ay mahilig siya sa pasta at seafoods at hate niya ang matatamis tapos ayaw niya naman sa maiingay kaya bigla akong nahiya. Maingay pa naman ako. Favorite genre niya din sa movie ang Science fiction at hindi siya mahilig sa music. He hates romance, too. 

"Wait nakalimutan kong itanong birthday mo" Akmang tatayo na siya.

"September 26," He answered. Napatigil ako.

"We? Libra ka? Bakit parang hindi?" 

Napatigil ako dahil ang mga Libra's ay very expressive tapos ang lalaking 'to ay walang ekspresyon? Sabagay hindi naman lahat applicable ang mga ganon. Pero kung libra siya ibig sabihin great lover din siya? Masarap daw mag mahal ang mga libra, e.

Saved from the Dark (Galvez series #4)Where stories live. Discover now