36

108K 1.7K 543
                                    

"Mommy we're going to the Philippines po?" Tanong ni Velle habang nilalagay ko sa maleta ang lahat ng gamit namin. Uuwi na kami sa Pilipinas pero hindi ko alam kung hanggang kailan kami don. Hindi ko alam kung kailan kami babalik.

"Yes, Mija" Ngumiti ako kay Velle na nakaupo sa gilid ko at tinutulungan akong kuhanin ang mga damit niya.

"For how long, Mommy?" She asked again.

"I don't know, baby" I answered. Sa ngayon hindi ko alam. May plano na akong ipakilala siya sa mga Galvez at kung hindi siya tanggapin ay saka nalang kami babalik dito. Willing akong maging co-parent si Saint. 

"Nakapagpare-booked na ako, the flight will be tomorrow night. 6 pm" Si Mama na pumasok sa room namin. 

"Abuela, ¿vamos a volver aquí? (Grandma, are we going to come back here?)" Asked Velle and she went closer to Mama.

"Sí, todavía volveremos aquí. (Yes, we will still come back here)" Sagot naman ni Mama. Nang matapos kami sa pag iimpake ng lahat ng gamit ay nag dinner na kami. Hindi naman lahat ay dinala ko may iniwan pa rin kaming mga gamit dito dahil baka sa hindi inaasahan ay bumalik pa rin kami.

"Mommy, maganda rin po ba sa Philippines?" Velle asked while we were eating our dinner.

"The Philippines is a beautiful country too, Velle" I smiled at my daughter.

"Is there also a lavender field in the Philippines, Mommy?" Asked Velle again.

"I don't know, baby, but in the Philippines, we have lots of beautiful flowers too, like sunflowers, daisies, roses, and many more" I saw Velle's eyes light up.

"Really, Mommy? Can I also harvest flowers there?" She asked. Matamis akong ngumiti saka tumango kay Velle. Nakangiti si Mama at Congressman saamin. 

Nang makatulog si Velle at tinawag ako ni Mama para kausapin. Pumunta kami sa terrace kung nasaan si Congressman. 

"Are you really sure about this, mija?" Tanong ni Mama nang makalabas kami.

"Yes, Ma. Nagka-usap kami ni Saint and he still want me back. Siguro matatanggap naman nila si Velle" Kahit si Velle nalang, kahit 'wag na ako. "And Velle deserves to know the truth about her real life. Kung saan siya nagmula, kung saan ako nag mula at kung sino pa ang pamilya niya."

"I get your point but is my granddaughter ready? Did you tell her about meeting her dad?" Tanong pa uli ni Mama. Umiling ako.

"Alam niyo naman po na ayaw ni Velle makita ang Daddy niya but I will explain everything to her pag dating namin sa Pilipinas. She has all the right to know about her real identity. I can't hide any longer, Mama. My husband dereves to know the truth too. Hindi ko lang alam kung maniniwala pa ba sila saakin dahil anim na taon akong nawala pero kailangan pa rin nilang malaman ang tungkol kay Velle."

Kahit paunti unti kong ipapaintindi kay Velle ang lahat basta maunawaan lang niya. Hindi habang buhay pwede kaming mag-tago. Hindi pwedeng habang buhay na walang kinikilalang ama si Velle. Maaring hindi siya nagtatanong pero alam ko sa puso at isip niya may mga tanong pa rin sa isip niya.

"Nabuhay po ako na hindi kumpleto ang pagkatao ko, Mama. Lumaki ako na hindi ko totoong nanay yung kinikilala kong nanay at hanggang ngayon kini-question ko yung pagkatao ko at ayoko na pati sa anak ko mangyari 'yon. Kaya hanggat bata pa si Velle ay ipapaliwanag ko na sakanya ang lahat, Mama."

Sa anim na taon ngayon ko lang to naisipan. Ngayon lang ako naglakas ng loob. Inunahan ako ng takot at pagiisip. I was manipulated by my step mother. My whole life is a lie. I've always been the unwanted at ayoko na pati si Velle maranasan ang naranasan ko. 

Saved from the Dark (Galvez series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon