Ramdam na ramdam kong napakaraming gustong sabihin ni Saint sa anak pero nanatili siyang tikom. Ayaw din siguro niyang masyadong mabigla si Velle kaya hindi muna siya nagsalita. Nang sabihin nga 'yon ni Saint ay hindi na nagsalita si Velle. Pinakain ko nalang siya ng favorite na Bulalo niya na dala nila Doc. Celine.
"Mommy..." Velle called me using her low voice.
"Who is she, Mommy?" Tinignan ko ang tinitignan ni Velle at nakita ko si Doc. Celine na nakatingin sakanya. Doc. smiled.
"Ahh... Doc. Celine, tinatanong po ni Velle kung sino daw po kayo" Sabi ko kay Doc. Celine na agad namang tumayo at lumapit saamin. Humigpit uli ang pagkakahawak saakin ni Velle.
"Hi," Doc. greeted. Seryoso lang ang tingin ni Velle. "I'm your father's Mother. I'm Doctora Celine Galvez and you can call me grandma" Nakangiting pakilala ni Doc.
Hinila bahagya ni Velle ang kamay ko para ilapit ako sakanya. "She's pretty, Mommy" Napangiti ako sa binulong saakin ni Velle. Binalik ko ang tingin kay Doc. Celine na parang naghihintay kung ano ba ang sinabi ni Velle.
"Velle, grandma wants to hear what you told me" I smiled at Velle. "Gusto mo bang sabihin, Velle? Or gusto mo na si Mommy ang mag sabi?" I asked her.
Matagal na tumitig saakin si Velle saka binalik ang tingin kay Doc. Celine. "You're beautiful" Velle said in her shy tone. Kitang kita ko ang tuwa sa mata ni Doc. Pati si Saint at si Mr. Galvez ay napangiti.
"How about me, huh? I'm your grandpa" Lumapit si Mr. Galvez. "Am I handsome?" Natatawang tanong ni Mr. Galvez. Velle slightly giggled.
"Handsome din" Velle said and looked at me. Masaya ako na komportable agad siya kay Doc. Celine at kay Mr Galvez.
I pinched Velle's cheeks. "How about your daddy?" I asked Velle. Lumingon si Velle kay Saint na nakangiti sa gilid ko. Nagseryoso uli ang mukha ni Velle.
"He's the old man, Mommy" Bulong uli ni Velle saakin.
"No, he's your father, Velle" Napalunok ako at lumingon kay Saint na parang nasaktan sa sinabi ng anak.
"He's the old man, Mommy" Ulit ni Velle saakin. "I'm tired, Mommy. I want to sleep again" Dahan dahan akong tumango kay Velle. I kissed her forehead. Inayos ko ang pagkakakumot sakanya.
"Ililipat na natin siya mamaya sa hospital natin" Sabi ni Doc. Celine nang makitang tulog na uli si Velle. "Ganyan ba talaga siya kabilis matulog?" Tanong ni Doc. habang pinagmamasdan si Velle.
"Opo, kahit saan po nakakatulog 'yan. Mabilis makatulog pero ang hirap pong gisingin parang..." Lumingon ako kay Saint at pinigilan kong matawa.
"Parang si Trevor. Nung bata rin 'yan, ganyan. Papasok nalang sa school makakatulog pa kaya si Rage lagi ang naghahatid" Natatawang sabi ni Doc. "Sa school n'ya lagi akong pinatawag dahil kundi nakakatulog sa klase ay nang-aaway naman ng kaklase"
"Mom" Masama ang tingin ni Trevor sa ina.
"Mag-ama nga po" Natawa rin ako nang maalala ang ginawa ni Velle sa school.
"Nakakatulog rin siya sa klase?" Tanong ni Doc.
"Hindi po pero hindi po siya nagsasalita sa school, kung hindi pa po tanungin ng teacher hindi siya magsasalita tsaka hindi po kumakausap ng classmate" Kwento ko. Narinig ko ang pagtawa ni Mr. Galvez.
"She's literally my blood" Natatawang sabi ni Mr. Galvez at hinapit ang baywang ng asawa. Habang natutulog si Velle ay nililigpit na namin ang mga gamit dahil ililipat na rin si Velle mamaya para doon na siya sa hospital nila Doc Celine magpagaling.
"Pinaayos ko na yung penthouse ko, after Velle's recovery, saakin na kayo titira" Sabi ni Saint sa tabi ko at tinutulungan akong ayusin ang mga gamit ni Velle.

BINABASA MO ANG
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, she struggles with personal issues stemming from her mother'...