19

91.4K 1.4K 836
                                    

"Lola!" Tumakbo ako papasok sa loob ng bahay at sinalubong ako ni Lola. Ang tagal na rin nang huli ko silang makita. Miss na miss ko na sila nila Lolo. Namiss ko ang buong pamilya ko. Para bang dala-dala ko ang mundo habang papalapit ako sakanila. 

Ang bigat. 

"Apo ko!" Lola hugged me. Humihikbi pa. Niyakap din ako nila Lolo.

"Ang paboritong apo!" Sabi ni Brian, ang nag-iisang anak ni Tito Abet at Tita Betty. Army na ngayon.

"Kuya!" Pumunta rin ako kay Kuya at yumakap.

"Oh, bakit hindi mo kasama ang asawa mo?" Tanong ni Lola habang pinapasok nila Tito Abet ang mga gamit ko sa dati kong kwarto. Ngumiti ako kay Lola at umupo kami sa sofa. 

"May hindi po kami pagkakaunawaan ni Saint, kaya po umuwi muna ako dito kasi feeling ko po kailangan namin ng space sa isa't isa" Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Lola. Huminga ako nang malalim. Ang bigat ng puso ko.

"Ganon talaga ang mag-asawa, anak, pero sana ay hindi mo tinakasan ang problema mo. Sana ay hinarap niyo iyong dalawa na magkasama." Himimas ni Lola ang likod ko. "Pero 'di bale, bago pa lang naman 'yan. Alam kong magkakaayos din kayo.

Sana nga po... sana pagkatapos na 'to maayos kami ni Saint. Namimiss ko na kasi siya, e, namimiss ko na yung dating kami. Namimiss ko na 'yung lambing ni Saint, 'yung pag kiss niya sa 'kin. Namiss kong lahat sakaniya. 

"Lola, matanong ko lang po. Lahat po ba sinasabi niyo kay Lolo? Required po ba na lahat ng malaman at masaksihan niyo, dapat po sasabihin niyo kay Lolo?" Tanong ko kay Lola.

Narinig ko ang pag-ngisi ni Lola. "Hindi tatatag ang pagsasama kung nagdududa kayo at wala kayong tiwala sa isa't sa, Apo. Thirty five years na simula nang ikasal kami ng Lolo Isko mo, may mga bagay kaming hindi na sasabi sa isa't isa pero never kaming nagsinungaling ng Lolo mo sa isa't isa na sobrang laki ang epekto sa relasyon namin... Anak, hindi lahat ng nagsisinungaling ay masama at hindi rin naman lahat ng nagsasabi ng totoo ay mabuti. Kung ano man ang hindi niyo masabi sa isa't isa, sana hindi ito maging sanhi ng malaking pader sainyo."

Niyakap ko si Lola at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. "Thank you, Lola."

"Malungkot na naman ang Isha ko buti nalang nagpaluto ako ng menudo at tortang talong, paborito mo 'yun, 'di ba? Nag didinakdakan din yung Tito mo, maya-maya ay maghahapunan na tayo," Sabi ni Lola. "Mag pahinga ka na muna at tatawagin nalang kapag okay na." 

Hinalikan ni Lola ang noo ko saka pumunta sa kusina. Pumunta na rin ako sa dati kong kuwarto. Wala pa rin namang pinag-kaiba to. Malinis pa din at ganon pa rin ang ayos. White and purple ang pintura tapos ang ibang mga gamit ko ay nandito pa rin. 

Pumunta ako sa cr at nag half bath ako saka ako nagbihis ng comfy outfit. Pajama and shirt lang ang suot ko. Lumabas ako ng room nang maamoy ko ang usok ng ulam. Napangiti ako nang maamoy ko ang amoy ng menudo. Sakto, medyo sad ako ngayon at yuon lang ang makakapag-pangiti sa 'kin.

"Lola, may tao sa labas!" Rinig kong sigaw ni Kuya Brian. "Yayamanin, maganda kotse, hinahanap si Isha" Natigilan ako sinabi ni Kuya Brian. Inayos ko ang buhok ko saka ako lumabas ng kuwarto. 

 "O, sakto, eto ka pala, Isha. Asawa mo 'ata yung nasa labas, eh," Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya. Ano raw? Si Saint nandito? Imposible.

"Bakit hindi mo papasukin?" Sigaw ni Lola kaya dali-daling lumabas si Kuya Brian.

"Imposibleng si Saint 'yon, Lola." Depensa ko agad kay Lola. Bakit naman pupunta dito si Saint e may problema yun?

"E sino ang sinasabi ni Carlito?" Tanong ni Lola. Nagkibit balikat lang ako. 

Saved from the Dark (Galvez series #4)Where stories live. Discover now